Chapter 36: Pagkikita :'(

36 9 0
                                    

Angel's POV

Bibili muna ako ng snacks ko. Boring din naman kasi dito sa bahay, wala akong kasama. Umalis kasi si mama kanina di ko nga alam kung saan sya nagpunta.

Lakad..lakad..lakad..

Napatingin ako sa bahay nila Carl. Kasi biglang bumukas ang pinto. Sa pagkakaalam ko kasi wala si Tita, nasa hospital dahil kay tito. Nagulat nalang ako dahil nahimatay daw si Tito nung nakaraang araw. Ha? Wait? Sino yung lalaking nasa tapat ng gate nila! May dala pang maleta.

(Lumapit sya sa gate nila Carl.)

Ha? Si... Si Carl! Nandito?! "C-c-carl? Ikaw ba yan?" Nauutal na sabi ko habang sya at halatang gulat na gulat. "Angel! Na miss kita best friend!" Niyakap nya ako at halatang umiiyak sya. Naramdaman ko yung hirap na narardaman ni Carl ngayon. Alam kong hindi nya pa limot si Carla. Tapos dumagdag pa yung kay Tito. "Kamusta kana? Nagpunta kana ba kay Tito?" Napatingin ako kay Carl. Namumugto na ang mata nya. "I'm trying to be okay. Kailangan kong maging matatag para sa pamilya ko. Ayun nalaman kong STAGE 4 na ang cancer nya sa lungs. Kasi ilang beses na naming pinipigilang manigarilyo ayaw makinig." Nakakaawa naman sya. Hindi ko alam kung paano ko sya tutulungan. Ayaw kong makikita syang ganito, nasasaktan ako. Hindi ko kayang nahihirapan sya. Mahal na mahal ko sya. Kaso wala naman akong magawa para sa kanya. "Carl sama ako sayo kay Tito. Total hindi pa naman ako nakakatadalaw sa kanya." Sabi ko kay Carl, na hanggang ngayon di parin tumitigil sa pagiyak. "Sure hihintayin kita dito ha."

Nagmamadali na syang umuwi sa bahay nila. Nagmadali na ding ayusin ang sarili.

Naiisip ko bakit grabe ang pagsubok sa kanya ng tadhana. Pero sabi nga nila, Hindi yan ibibigay sayo ni God kung hindi mo kaya. Alam kong malalagpasan nya 'to. Nakakaawa sya, sabay-sabay ang problema nya.

My lover or My loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon