Chapter 32: Boredom Strike!

38 10 0
                                    

Carl's POV

Hahanap na talaga ako ng iba. It-try ko na kalimutan si Carla. Ngayon ko lang na realized na nagpaka-tanga ako sa katulad nyang walang kwenta. Hindi ko naman kasalanan na maset-up ako eh. Kaya din naman ako napunta dito para kalimutan sya, kaya yun nalang ang gagawin ko. I will try na kalimutan sya kahit mahirap.

Lalabas na nga ulit ako. Pupuntahan ko si Anne sa unit nya. Wait time check 7:00 p.m na pala, sana wala syang ginagawa.

Ding-dong..ding-dong..

Binuksan nya na yung pinto. "Hi Anne! May ginagawa ka ba? Boring kasi sa unit ko manggugulo lang sana ako sayo." Sabi ko sa kanya. "Hi din Carl. Wala nga din akong ginagawa eh. Wala din akong kasama ngayon dito. Tara Pasok ka!" Sabi nya sa'kin. Wow grabe ang linis ng condo nya. Halatang maayos sya sa gamit nya. Naka-organized lahat ng gamit nya like her books. "Ano ang ginagawa mo kanina nung hindi pa ako nagpupunta dito?" Ang awkward kasi super tahimik nya, hahaha nagiisip tuloy ako ng sasabihin ko. Opposite sya ni Angel grabe. "Watching TV lang and eating mg snacks." Sabay upo sa sofa. "Hindi ka ba na b-bored dito? Hahaha tapos ang tahimik pa." Sabi ko sa kanya at nakiupo na rin sa sofa nya. "Nope. Sanay na ako eh, kasi nung nasa philippines pa ako, 2 years na akong nakacondo. Kasi sabi nila mommy yun para masanay na daw ako." Grabe naman yung parents nya. Pero sa bagay may point din ang mommy nya. Mas maganda pag sanay na syang magisa hindi na sya masyadong mahihirapan. "Nga pala san ka ba sa pilipinas. Para kapag uwi na tayo dun, magkikita parin tayo!" Tanong ko sa kanya. Hahaha wala na kasi akong maisip na topic. Ang tahimik nya kasi super, hindi ko naman carry ang ganun. "Taga parañaque ako. Ikaw? Siguro gala ka no! Hahaha just kidding." Ang lapit nila sa'min grabe! "Taga makati lang ako. Nice medyo malapit pala kayo sa'min. Hindi ako gala 'no. Sadyang marami lang akong alam na lugar." Siguro nahihiya lang sya kanina sa'kin kaya ganun sya katahimik. Nagtuloy-tuloy na ang usap namin. Then umuwi na ako dahil gabing-gabi na.

My lover or My loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon