Chapter 38: Box of chocolates ^_^

34 10 0
                                    

John's POV

Haist dahil walang pasok boredom strike na naman. Makagala nga pupuntahan ko si Angel my loves, este my best friend. Miss ko na sya, parang hindi kami nagkita ng ilang araw. Eh kahapon atsaka ngayon lang naman walang pasok. Naalala ko bigla si Carl, kamusta na kaya yun. Months na ang nakalipas Simula nung umalis sya dito sa pinas. Ano kayang pwede kong ibigay kay Angel? What if chocolate kaya? Tama chocolate. Yun nalang wala na kong maisip eh.

(Nagmadali na syang magayos ng sarili nya.)

Hay ang saya talaga pag may kotse. Kasi pwede akong pumunta kahit saan ng walang masyadong gastos. Hayahay ang buhay hahaha. Wait lang bibili nga pala ako ng chocolates.

(Bumili sya ng isang maraming-maraming chocolates. May naisip syang isang idea.)

Bibili ako ng box. Then ilalagay ko lahat ng chocolates na 'to. Pero maglalagay ako ng maraming papel para isipin nyang walang laman yung box. Pero dun sa pinaka ilalim ng box, lalagayan ko ng I LOVE YOU. Para naman sweet ang dating. Grabe naman tong effort ko hahaha. Iba talaga pag nagmamahal. Lahat kayang gawin basta mapasaya lang ang mahal nya.

(After a minutes natapos nya na ang plan nya. Maayos na maayos na ang lahat. Then dumiretso na sya sa bahay nila Angel.)

Hay I'm so excited na makita sya at maibigay sa kanya 'to. Ano kaya ang magiging reaction ni Angel? Magiging masaya kaya sya. Bat ganito? Parang bumibilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na Ewan, grabe parang hinahabol ngayon ang puso. Please wag naman ganito! Makisama ka naman heart. Nakakaloka ka ah, pinapahirapan mo ko.

Nasa harapan na sya ng bahay nila Angel...
Ding-dong.. Ding-dong..

Hinihintay ko nalang na magopen ang gate nila Angel. Grabe parang hihimatayin ako sa kaba. John muntanga lang umayos ka nga. Hay nababaliw na naman ako. Bumukas na ang gate nila Angel. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon. Si Angel ang nagbukas ng gate nila. Nakakaloka na this! Nahihiya ako. "Angel for you!" Sabay abot sa kanya ng box. "Oh? Ano naman 'to? BTW pasok ka." Hay nakaka-pressure naman 'to. "Angel mamaya mo na bukasan yan ah. Pag nakaalis na ko." Sabi ko sa kanya nakakahiya kasi eh.

Angel's POV

Box? Parang mabigat 'to ah. Ano kayang laman nito? Grabe gusto ko ng buksan. Kaso pinigilan ako ni John. Kaya hindi ko pa binubuksan, syempre sinabi ni John eh.

Ngayon ko lang napansin na parang ang tahimik ni John. "Angel aalis na ko. Ibinigay ko lang talaga Sayo yang box na yan." Sabi sa'kin ni John. Anong trip nun, nagmamadali. "Sure, ingat ka ah. Salamat dun sa box." Then lumabas na sya ng bahay namin.

Tinignan ko na ang box. Nagulat ako dahil may mga papel. Wala naman nakasulat, then pakahalo ko nagulat ako dahil panay chocolates pala yun. Kaya pala medyo mabigat, mga pakulo talaga ni John nakakaloka. Ayyy naku nahulog ang box. Napatingin ako bigla dahil may nakasulat, nakalagay dun I LOVE YOU. Ayieee ang sweet nya grabe kainlove.

My lover or My loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon