Chapter 51: First Kiss! <3

23 9 0
                                    

John's POV

Ano kayang nangyayari kay teddy bear? Bat saglit lang kami dun sa papa ni Carl. Mismong pagdating pa talaga ni Carl, dun kami umalis. Inaantok talaga ako ngayon, Ewan ko kung bakit. Ihahatid ko muna si Angel sa bahay nila.

Nasa kotse na sila...

"Teddy bear, anong nangyari kanina?" Sabi ko sa kanya. "Kasi Teddy bear, nagtatampo sa'kin yun si Carl. Dahil di ko sinabi na nililigawan mo ko." Sabi nya sa'kin. "Nyeks. Dapat sinabi mo sa'kin. Hayaan mo gagawa ako ng paraan para magkabati kayo Teddy bear." Hahaha paano ko kaya yun gagawin? Hahahaha bahala na, kakayanin ko 'to para sa pinaka mamahal ko.

Angel's POV

Nakakakilig naman 'tong si Teddy bear ko. Talagang gagawin nya yun for me? Grabe napaka maswerte ko talaga sa kanya. Hindi talaga ako nagkamali ng taong minahal. Malapit na kami sa bahay ngayon.

Pababa na sya ng sasakyan.. But bigla syang tumigil at...

"Teddy bear may ibibigay ako sayo." Sabay abot sa'kin ng teddy bear na stuff toy. "Teddy bear? Hahaha cute like you." Sabi ko sa kanya. "Kulang pa yang teddy bear. Sa lahat ng gift at efforts mo for me." Sabi nya sa'kin.

"Nope hindi kulang, ginawa ko yun dahil mahal kita. Hindi ko kailangan ng kahit anong material things. Ayos na sa'kin na mahal mo ko." Sabi ko sa kanya. "Thanks Teddy bear. I love you so much!" Kiniss nya ko sa lips. Ha? As in sa lips? Panaginip lang ba 'to? Kung oo ayaw ko ng magising. Natulala ako dun ah, hindi talaga ako makapaniwala.

My lover or My loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon