Chapter 33: Ang Sweet Mo :')

36 10 0
                                    

Angel's POV

Grabe sundo hatid na ako ni John ngayon. Nahihiya nga ako eh, kaso hindi ko naman masabi sa kanya. Ang awkward kaya sya na nga yung nagmamalasakit ako pa tong chossy. Feeling ko na f-fall na ako sa kanya. Sauce bakit ko ba naiisip yun, nakakaloka na ito hahaha. Hindi naman siguro, mas mahal ko parin si Carl. Kahit wala sya dito, or kahit may mahal syang iba sya parin ang mahal ko. Kahit isipin nyong tanga ako wala eh, sya talaga ang mahal ko.

Nga pala time check 5:30 a.m. naku naalala ko sinusundo pala ako ni John. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko sya. Ano ako LIKE A BOSS? Hahaha. Magaayos na ako ng gamit ko at maliligo na.

(After 30 mins.) Beeeepp..beeeeeppp..

Nandyan na si John, baba na ako. Pagkababa ko nandun na sya sa loob ng bahay. Nagulat ako ng makita ko na may Dala syang flowers at chocolate. Miss ko na ang chocolate nakakagutom hahaha. "For you Angel hahaha." Sabi nya grabe ang gwapo nya. Bat ganito ilang beses nya na akong binigyan ng flowers at chocolate ngayon lang ako kinilig ng ganito. "Ahmm. Thanks John hahaha your so sweet talaga." Hahaha wala na akong masabi na speechless ako. Lalabas na kami ng bigyan akong natipalok at sinalo nya ako. Grabe nakaka-awkward eye-to-eye na naman. Hindi ko na carry tong kilig ko, feeling ko nagb-blush ako ngayon. "Ayos ka lang ba? Ingat ka naman kasi!" Grabe parang boyfriend ko sya. Hahahaha feeling ko lang.

Nasa loob na kami ng kotse nya. "Angel are you ok? Kanina ka pa tahimik ah." Napapaisip kasi ako bakit ako nagkakaganito ngayong araw. "Ahh yup I'm ok. May iniisip lang." Hay nakakaloka naman ito. "Iniisip? Nyeks! Ano ba yang iniisip mo?" Hala sya yan pa talaga ang tinanong. "Ahh wala wala." Sabi ko sa kanya. Ehh sya kaya ang iniisip ko. Alangan naman yun pa ang sabihin ko. "Sure ka ah? Sabi mo eh. Baka personal yan masyado kaya I respect nalang." Wow! Respect grabe naman kainlove ka talaga John grabe. Ha? KAINLOVE?! Hindi naiisip ko lang yan. Nalilito lang siguro ako.

Nandito na kami sa school. Naku grabe kinuha nya pa ang bag ko, sya daw ang magbubuhat. Hala? Ang gentleman nya grabe. Parang pinagsisisihan ko na binusted ko sya dati. Hala? Ano ba tong pinagiisip ko panay kagagahan. Hala nawala si John? Saan kaya sya nagpunta? Inikot ko ang tingin ko nakita ko syang bumibili ng ice cream. Nagulat ako ng bigla nyang inabot sa'kin ang isa. "Ayan ohh. Baka sakaling malimutan mo yang iniisip mo." Ang sweet nya grabe. Kakakilig ang swerte ng magiging girlfriend nya. Kasi gwapo na nga gentleman pa, sweet, mabait grabe.

My lover or My loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon