Chapter 25: umalis na sya!

50 11 1
                                    

John's POV

Pupuntahan ko na nga si Carl. Baka kasi magtampo pa si Angel sa'kin. Hahaha halatang labag sa loob ko 'no wala eh, selos ako. Hayy tiis lang kaya ko 'to tiwala lang.

(Umalis na sya ng bahay nila. Nasa sakayan na sya ng bus ng bigla nyang nakita si Carl . sasakay si Carl ng taxi na may dalang malaking bag.)

"Carl!" Sumigaw ako sa kanya. Tumingin naman sya agad. Pero tumuloy parin syang pumasok sa taxi. Tumawag na din ako ng taxi at sinabi ko sa driver na sundan yung sinasakyan ni Carl na taxi. Huminto na ang taxi nung pagtingin ko nasa airport kami. Nagbayad na agad ako sa driver at nagmadali na akong bumababa ng taxi. "Carl, wait lang!" Sigaw ko sa kanya at huminto naman sya. Tumakbo na ako papunta sa kanya. "Aalis kana pala ngayon. Sana sinabi mo! Tatawag ako kay Angel. Wait lang." Sabi ko sa kanya nagulat ako nung kinuha nya ang phone ko. "John wag ayaw ko syang makausap baka hindi lang ako makaalis. Sya kasi ang pinaka mam-miss ko dito sa pinas. So please don't call her, baka bigla pa yung humabol dito." Hindi ko na tinawagan si Angel dahil sa sinabi nya. "Aalis kana ba talaga? Baka may gusto kang ipasabi kay Angel?" Sabi ko sa kanya. "Yup aalis na talaga ako pero mags-stay muna ako dito sa airport kasi mamayang 5 pa ang Alis ko. Wala naman akong gustong ipasabi sa kanya. Alagaan mo yung best friend ko ah. Papasok na ako sige see you next time!" Pumasok na si Carl sa airport. Ako naman sumakay na ulit ng taxi pero pupuntahan ko si Angel.

(After an hour nasa bahay na sya nila Angel. Nagdoor bell na sya)

Ding-dong..ding-dong..

Bumukas na yung gate nila. Si tita yung nagbukas ng pinto. "Hi po tita nandyan po ba si Angel?" Sabi ko sa kanya. "Oo nandito sya pasok ka" nung pagpasok ko nakita kong nakaupo si Angel sa sofa. "Hi Angel!" Sabi ko sa kanya. "Hello! Bakit dumalaw ka ata ngayon? Problem? Hahaha" sabi nya na may halong joke at pagtataka. "Hmmm wala naman. Mamaya ko nalang sasabihin. Yayayain sana kitang pumunta sa park. Kung ok lang sayo?" Sabi ko sa kanya. "Sure why not hahaha. Basta ililibre mo ko ng pagkain ayos sa'kin. Joke lang hahaha!" Sagot nya sa'kin.

(Nagbihis na si Angel. Pagkatapos nun ay umalis na sila.)

"John, ano yung sadya mo sa'kin hahaha. Kasi kailangan pa talagang pupunta tayo dito sa park." Sabi nya sa'kin. "Umalis na si Carl kanina. Ayaw ka nya daw makausap kasi baka hindi daw sya makaalis. Ikaw daw kasi ang pinaka mam-miss nya dito sa pinas." Nagulat ako ng biglang umiyak si Angel. Hala sya? Binigay ko sa kanya yung panyo ko. "Don't cry na Angel nandito naman ako eh." Sabi ko sa kanya. "Kasi hindi ko man lang alam na aalis na sya. Sana man lang nakita ko sya kanina. Ang tagal kaya naming hindi magkikita." Sabi nya sa'kin. Naawa ako sa kanya kaso wala naman akong magagawa kung di punasan ang mga luha nya. "Kung sana may magagawa lang ako pinigilan ko sya kanina I'm so sorry Angel." Tumigil na sya sa pagiyak kaya hinatid ko na sya sa bahay nila.

Lakad..lakad..lakad..

Nakarating na kami sa bahay nila. "Bye Angel. Sorry ulit sa balita, ge alis na ako." Sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap. "John thank you dahil lagi kang nandyan kapag super lungkot ko. At ikaw ang taong gumagawa ng paraan para maging masaya ako." Sabi nya sa'kin na kinagulat ko. "Your welcome Angel. Ganyan kita ka mahal, gagawin ko ang lahat para maging masaya ka lang." Sabi ko sa kanya. At inalis nya na ang mga kamay nya sa bewang ko. Tumuloy na ako sa paglalakad ko.

My lover or My loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon