Chapter Twenty-four
2..
“Siyansi?” Mukhang nalilito yung lalaki.
“Siyansi! Ikaw daw yung siyansi ng kaibigan ko.”
“Ipangluluto niya ko?”
“Hindi, ikaw yung dahilan bakit kami nagpa-praktis. Magaling ka daw kasi sabi niya.”
Mukhang nalilito pa din yung lalaki.
“Basta. Malalaman mo kapag malaki na kayo!”
Kumibit-balikat si Carlo. “Okay, sabi mo eh.”
~~~
Tatlong araw ang meeting ng mama ni Kat. Tatlong araw din sila nagkita ni Carlo at nagkakilala. Kinwento ni Kat ang lahat ng nanyari sa kaibigang si Celine na naiinggit dahil hindi pa siya pinapayan ng magulang makipagkita kay Carlo. Meron daw event kung saan talaga sila ipapakilala sa isa’t isa. Kaya kahit gusto na makita ni Celine si Carlo, wala ito magawa kung hindi makinig sa mga kwento ni Kat tungkol sa kanyang future husband.
“Mabait siya at matulungin. At ang galing nga niya mag-salita! Pinakita niya nga sakin,” masayang pagku-kwento ni Kat. Inayos niya ang tayo niya at ginaya ang pose ng kanyang idolo. “My friends, I stand here today-”
“Eh kamusta naman si Carlo? Mabait ba siya sa lahat ng tao? Sa magulang niya? Kinukwento mo ba ako sa kanya?” Masugid na tanong ni Celine habang nasa lobby sila nagaalmusal.
“Sinabi ko sa kanya na may kaibigan ako na Celine yung pangalan. Sabi ko din na maganda ka tsaka mabait. At fan ka niya.”
“Ano sabi niya? Anong itsura? Mukha ba siyang interesado sa akin?”
“Hindi ko alam kasi tuwing kinukwento kita, magtatanong siya ng tungkol sa buhay ko. Pinakilala niya din ako sa mga magulang niya. Hindi niya maintindihan kung bakit siyansi ang tawag ko sa kanya.”
“Anong siyansi?” Nagtatakang tanong ni Celine.
“Diba sabi mo sakin kapag laki niyo ni Carlo, siyansi mo siya?”
Kumunot pa ang kilay ni Celine ng ilang minute bago ito napa-oh at napatawa ng malakas.
“Oh you silly girl. Siyansi? Hahahaha, good one. It’s fiancé. No wonder Carlo doesn’t get it.”
“Magpa-praktis pa din ba tayo?”
“Syempre naman! Practice makes perfect nga diba? Gusto ko kapag nakita ako ni Carlo, hindi na siya maghahanap ng iba and you will help me there. Kailangan sabihin mo sakin ang lahat ng malalaman mo tungkol kay Carlo.”
“Paano yun? Tatlong araw lang kami magkikita?”
“Akong bahala diyan. Hindi ba sinabi ko na sa iyo? I always get what I want. Kailangan ko ng kaalaman tungkol kay Carlo at makukuha ko lang yun kung magiging magkaibigan kayo. I need your help. Will you do it?”
Walang pag-aatubiling tumango si Kat.
~~~
Walong taon na si Kat nang nagalit sa kanya si Celine.
“Sabi mo tutulungan mo ako. Bakit mo ko niloko? Bakit nagkagusto siya sayo?”
“Hindi ko naman sinasadya, Celine! Bigla na lang niya sakin sinabi. Wala naman ako ginagawa para magkagusto siya.” Nangiyak-ngiyak niyang paliwanang.
“Sinungaling. Umalis ka na dito sa bahay namin at wag ka na babalik!”
“Sorry na Celine. Ano ba pwede ko gawin para patawarin mo ko?”
“Kalimutan mo na si Carlo at wag mo na siya ulit kakausapin dahil titiyakin ko na hindi na kayo magkikita. Sisiguraduhin ko na ipapalipat nila ng branch ang mama mo.”
“Sinabi lang naman niya sakin na gusto niya ko eh.”
“Yun nga ang masama. Hindi dapat magkakagusto si Carlo sa iba! Sa akin lang. Mahirap ba intindihin yun?!”
“Pero-”
“Wag ka na magpaliwanag. Tapos na ang pagkakaibigan natin, Kat.”
“Celine,” sigaw ni Kat pero nasaraduhan na siya ng pinto.
BINABASA MO ANG
My Husband My Boss
RomancePart-time secretary ni Carlo Villafuerte si Katrina habang siya ay nagaaral ng kolehiyo. Alam niyang hindi naman siya isang magaling na secretary kumpara sa ibang babae na may karanasan na bilang secretary kaya ipinangako niya nung una pa lang na "g...