Salamat sa mga naglike, comment and fan! Sana magustuhan niyo din tong bagong chapter. :)
Chapter Three
Will you give me the honor of becoming my wife?
Will you give me the honor of becoming my wife?
Ano daw?
Will you give me the honor of becoming my wife?
Sandali lang, hindi pa ata na process ng utak niya.
Wife… daw?
Nasa tamang pagiisip ba ito?
O baka mamaya joke lang pala yung proposal niya.
Will you give me the honor of becoming my wife?
Mukha naming tunay yung singsing. Bakit ba may singsing? Seryoso talaga siya?
Will you give me the honor of becoming my wife?
Di nga?
Will you give me the honor of becoming my wife?
Baka palabas lang siguro.
Will you give me the honor of becoming my wife?
“You bastard!” Nagwala si Mr. Dominguez na katabi ni Celine sa table. “Pinahiya mo na nga kami kanina at ngayon dinagdagan mo pa? Damn you!”
Tumayo ang mga magulang ni Carlo.
“Baka naman may dahilan bakit ginagawa ito ni Carlo,” pakiusap ni Mrs. Villafuerte. “Kakausapin na lang po naming siya mamaya. Please calm down, Mr. Dominguez.”
“No, I won’t calm down! I know what you’re trying to do by embarrassing us, Carlo Villafuerte, pero sinasabi ko sayo, you won’t succeed. You’ll regret this one day, I promise you. Dadating ang araw na kayo ang luluhod sa harapin namin pero until that day comes, pinuputol ko na ang lahat ng connections ng kumpanya namin sa inyo. Binabawi ko na rin ang offer namin sa pagpapakasal. My daughter’s better off without your son,” malamig na sabi nito at madaling umalis kasama ng pamilya niya.
“Halika na,” bulong sa kanya bigla ni Carlo at hinila siya palabas ng function room.
“Hindi ba tayo maiiwan doon?”
“Pagagalitan lang ako ng parents ko. I’m prepared for that but I still need to do something first. Hayaan mo na muna sila.”
Hala, nagkagulo na ang lahat!
~~~
Hindi siya makatingin kay Carlo sa sasakyan. Paano ba naman- magpropose sa harap ng maraming tao at kasama pa dito ang pamilya ng fiancée niya! Kung sino ba naming baliw ang gagawa na nun…?
“Um…” Hinintay niya ito magsimula at sabihin na palabas lang niya yung nangyari kanina.
“I know naguguluhan ka sa nangyari kanina pero I was serious about my proposal.”
“Paano mangyayari…?”
“I know you’re still confused pero to be honest, kasama yung proposal ko sa plano na naisip ko kanina. I figured na if I just postponed the dreaded wedding, it would still push through afterwards at mapipilitan pa rin akong pakasalan siya. I needed to do something na wala na silang magagawa kapag nangyari yon and I arrived at the solution of marriage… with you.”
So I’m just a… a scapegoat?!
“Paano kung magrefuse ako?”
“I don’t think you will refuse me- after you hear what else I have to offer. Una sa lahat, if you marry me, it will strictly be a business arrangement. Walang magiging intimacy satin unless we’re in front of others pero mild lang din yon. Nothing’s going to change between the two of us, you’re still my secretary and I’m still your boss. And for appearances’ sake, you’ll be living with me in my house.”
“Pano yung tatay ko?”
“He can live with us. I’ll have the housekeeper arrange his room tonight. He could transfer tomorrow. Maghi-hire ako ng movers para ilipat yung gamit niyo sa bahay.”
“Pano yung bahay namin?”
“You’ll sell it, of course. If the time comes and I have to produce an heir for the company, doon pa lang tayo magkaka-honeymoon.”
Hindi makaimik si Katrina. Ngayon pa lang niya nakita ang pagka-cold ng boss niya at hindi niya ito nagugustuhan.
Matagal na ba itong ganito?
Bakit naman siya papayag at isa-sacrifice ang future niya?
“And wala ka din magiging choice, Ms. Pascual. Palabas lang yung nangyari kanina because you can’t refuse. Hindi ba sinabi mo sa akin noong una tayong nagkita na gagawin mo ang lahat ng request ko. Well, now I’m requesting you- begging you, in fact. I need your help. We both have no choice but to marry each other but don’t worry, I’ll be a good husband to you,” sabi nito at biglang hinaplos ng hinlalaki nito ang labi niya.
“Sandali lang-”
Alam niyang may iba pa siyang gustong sabihin at pilit niya yon inaalala nang naramdaman niyang lumalapit na pala ang mukha nito sa kanya ng hindi niya namamalayan.
“Marry me tonight, please,” narinig niyang bulong nito sa kanya bago tuluyan nang nahagkan ng labi nito ang kanyang labi at nawala na sa isip niya ang nais niyang sabihin.
BINABASA MO ANG
My Husband My Boss
RomansPart-time secretary ni Carlo Villafuerte si Katrina habang siya ay nagaaral ng kolehiyo. Alam niyang hindi naman siya isang magaling na secretary kumpara sa ibang babae na may karanasan na bilang secretary kaya ipinangako niya nung una pa lang na "g...