Chapter Fourteen
Trivia na bitin: may pinapakinggan akong songs para ganahan ang inspiration ko sa stories ko. Hindi ko kasi pwede sabihin yung songs dahil mage-gets niyo yung plot ng story. Basta yung para sa story na ito, medyo sikat siya and girl yung singer.
Isang linggo pagkatapos humupa ang gulo tungkol kay Christy at pinatawag ni Carlo si Kat sa kanyang opisina. Medyo mainit nung araw na iyon dahil nagkabrown out kanina sa area kaya gumamit lang ng generator; at para naman sulit sa gas, hindi muna pinabuksan ung airconditioners.
Pumasok si Kat sa opisina ni Carlo pagkatapos sinabing pumasok pagkakatok niya.
“Pinatawag niyo po ako?” Kailangan niya pa din maging polite kay Carlo pag oras ng opisina. Siyempre, boss pa din niya si Carlo, hindi pwedeng magpaimportante siya dahil asawa siya.
“Ah yeah. Seat down for a while.” Mukhang absent-minded si Carlo na naghahanap ng kung ano sa mesa. Pagkalipas ng ilang saglit, may kinuha itong folder sa ibaba ng clear envelopes at humarap na kay Katrina. “So, you might be wondering why I called you here today, the truth is… you’re not allowed to say anything to anyone of what I’m about to tell you. The matter is confidential. Kailangan ko ng secretary for the meetings at dahil ikaw naman yung personal secretary ko, obviously, you’re my choice.”
“Ah, thank you po.”
“No need to thank me. Mahihirapan ka kasi dito. You have to set it as your first priority. Kailangan nating mag-overtime para ma-achieve ito. If we manage to achieve this, I guarantee tataas ang sales natin. Ganito kasi yun, may plano akong bilhin ang isang prominenteng advertising agency na may clean record at magandang performance to help to our company’s advertising department. May strategy nang nakahanda, ang kulang na lang ay yung presentation dun sa ads company. Napabudget ko na to sa financial department kaya alam ko na ang estimation kung magkano ang magagastos. As long as walang makakaalam nitong ibang company, siguradong mabibili natin yung Mecca Ads.”
“All right, Sir.”
“Write down the details using shorthand muna. I-type muna lang sa computer mo mamaya. Ah, at eto pala yung copy mo about the plans.” Inabot sa kanya yung folder.
Pagkatapos ng dictation ni Carlo tungkol sa presentation ng strategy na umabot ng isang oras, umayos na ng upo sa Carlo sa upuan at pinagpagpag yung polo sa loob ng coat.
“Ang init pa din ah, nakabukas na ba yung aircon?”
“Kanina pa po.”
“Pakibaba nga yung temp, ang init talaga eh.”
Kinuha naman ni Kat yung remote at inayos yung temp. Nakita niyang pinagpagpag ulit ni Carlo ang polo at biglang may napansin na suot na necklace ang asawa. Mukha itong yun mga nabibili sa Boracay na parang tali ng lubid na may cross o bote o kung anong mapiling ilagay dun ng may-ari. Sa kaso ni Carlo, ang pinili niyang bagay ay… siyansi?!
Tama ba itong mata ko? Baka kailangan ko na magpacheck-up sa doctor. “Um, Carlo?”
“Ano?”
“Bakit ka may siyansi sa necklace mo?”
Kasi naman talaga- of all things na pwedeng piliin, bakit siyansi pa?
Kung hindi siya nagkakamali, biglang namula si Carlo pagkabanggit niya nung necklace.
“Necklace? Ahh, haha, ano kasi… ano lang yan… siyansi.”
“Obviously, pero para san? Bakit siyansi ang nasa necklace mo?”
“Dahil… masayang maging siyansi, try mo din one time.”
o.O Huh?
Nilagay niya ang kamay niya sa noo ni Carlo para tignan kung may lagnat. “Hindi ka naman nilalagnat. Ano bang nakain mo? Trip mo bang magluto ng siyansi ang gamit? May ganung klase ka bang fetish or something?”
Tuluyan nang natawa si Carlo. “Hahaha, no. Hindi mo maiintindihan pag kinwento ko sayo ngayon eh. Maybe later on na lang.”
~~~
Isang praktical na ina si Linda Villafuerte.
Hangga’t sa maaari, ayaw niyang mag desisyon gamit ang emosyon para sa anak lalo na kung nakasalalay ang kapakanan nito at ang kumpanya. Ang kumpanya kasi ay ang pamana sa kanya ng mga magulang niya bago sila mamatay kaya namatay kaya naman ganun na kaingat sa imahe ng kumpanya si Linda.
Simula noon pa, hindi pa ito nagkakaroon ng bahid ng kahit anong eskandalo kaya ganun na lang ang galit niya sa manugang lalo na at andami na niyang naplano sa pagitan ng kanyang anak at kay Celine pero nasira ito dahil sa sekretarya ng anak niya sa hindi kilalang pamilya.
Hindi kailangan ni Carlo ang isang sekretarya. Kailangan niya ang isang babaeng katulad ni Celine na may pinagaralan at kayang tumayo sa tabi ni Carlo sa pantay na posisyon; hindi sa isang nakakataas na posisyon at lalong lalo na hindi nakakababa.
Hindi katulad ni Katrina Pascual dahil hangga’t kalian, hindi niya matatanggap yung Katrinang iyon sa pamilya.
~~~
“Hihingi lang po kasi ako sana ng advice.”
“Pwede naman, kaya ka naman tumawag diba? Ano bang problema mo?” sagot ng DJ sa radyo.
“Meron po kasi akong nakilalang babae dahil sa friend po namin pareho. Ang sarap po niyang kausap, lagi na lang kami natutuwa sa mga pinaguusapan namin. Gusto ko po sana magtapat sa kanya na gusto ko po siya at ligawan din po…”
“Yun naman pala eh, bakit hindi mo nililigawan? Nagpapaalam ka pa sa akin? Ako ba ang tatay, ha?”
“Hindi ko po kasi sigurado kung gusto na po niyang makipagboyfriend. Newly-grad po kasi siya pero NBSB pa daw po.”
“Ay mahirap din yan kasi baka isa sa dalawang dahilan lang yan kung bakit NBSB pa siya ngayon.”
“Ano po?”
“Baka kasi hindi pa siya handa o kaya naman mapili siya-”
Pinatay niya ang radyo at napabuntong hininga.
Problema nung lalaki ay kung pano magtatapat ng nararamdaman sa babaeng nagugustuhan. Ang problema niya ay kung pano magtapat... sa kanya.
Tama ba naman kasi ang umasa sa nakaraan gayung wala naman talaga silang nakaraan?
Nilabas niya ang kwintas at nilaro.
Hindi ibig sabihin na tinitago niya ang nalalaman at nararamdaman niya ay hindi na niya siya mahal. Minsan din may dahilan kung bakit hindi talaga pwede.
Dahil gusto niya piliin siya dahil mahal siya at hindi yung napipilitan lang.
Dahil siya lang ang iniibig niya at nagkataon na hindi siya nito maalala.
Natural naman lang naman, eh kung siya nga din hindi niya siya naalala nung una silang nagkita ulit, pano pa siya?
Malabo nang maalala niya ako...
......................................................
Happy Valentine's Day sa lahat!
Sa mga nakapansin, hindi ko po pinagtapat ang Chapter 14 sa Valentine's. Sadyang coincidence lang po yan, lolz.
Sa totoo lang, ako din naguluhan sa dulo. Ang gulo ko kasi eh noh? :p
Baka po pala walang update this weekend dahil sa busy po kami nun. Try ko po next week sa middle of the week.
BINABASA MO ANG
My Husband My Boss
RomancePart-time secretary ni Carlo Villafuerte si Katrina habang siya ay nagaaral ng kolehiyo. Alam niyang hindi naman siya isang magaling na secretary kumpara sa ibang babae na may karanasan na bilang secretary kaya ipinangako niya nung una pa lang na "g...