dedicated to NikkaMaeG, matagal na niyang hinihingi yan pero ngayon lang ako nakapag-update, waaaah! Sorry guys! Dapat mas mahaba pa ito pero feeling ko naman mas ma-aapreciate niyo ang update kesa sa mas matagal na hintay D:
Chapter Twenty-Six
Katrina Pascual. Isang undergrad student na nangangarap pumasok bilang isang part-time secretary kahit na full-time ang hinahanap niya.
Iyon ang unang nakapukaw ng interes kay Carlo nang mabasa ang resume ni Katrina. Hindi naman niya dapat talaga ito tatanggapin. Sa katunayan, ilalagay na sana niya sa reject pile niya ang resume nang bigla siyang napahinto at may kung anong sumapi sa kanya para tanggapin si Katrina Pascual para sa isang interview.
Wala namang kakaiba sa interview ni Katrina. Sa katunayan nga, katulad lang ito ng ibang interview na nagawa niya noong araw na iyon. Ang nakapag-ayos ng desisyon niya na tanggapin si Katrina bilang secretary ay yung mala-kuryenteng kung ano na umakyat sa batok niya noong una niya nakita ito. Hindi naman ito pwede tawagin na lukso ng dugo dahil imposibleng magkaroon siya ng anak sa ganoong edad. At wala naman siyang kapatid sa kanyang pagkakaalam – kaya hindi niya maintindihan ang kuryente na bumalot sa kanyang katawang habang ini-interview si Katrina Pascual.
Nagsimula ang lahat noong nag-overtime siya isang taon na ang nakakalipas. Paalis na sana siya ng opisina nang may narinig siyang umiiyak at nakita niyang si Katrina pala iyon.
“Ayos ka lang ba?”
Nagulat si Kat nang nakita siya. “Sir! S-sorry po. Tinatapos ko po yung trabaho ko.”
“Masyado bang mahirap?”
“Ah, hindi po. May naalala lang po ako bigla.”
“Sino?”
“Mama ko po. Ngayon po kasi ang anibersaryo ng pagkamatay niya.”
“Hala, sorry hindi ko alam. ‘Di sana hindi muna kita pinag-overtime ngayon.”
“Ok lang po, Sir. Kelangan ko din naman po yung overtime para sa gamot ni papa.”
Inabot ni Carlo ang panyo niya. “O, para naman mapunasan mo ang mga luha mo. Bibigyan muna kita ng paid leave para makabisita ka sa puntod ng mama bukas.”
“Salamat po!” Isang matamis na ngiti ang ibinigay sa kanya ni Kat.
At kasabay ng pag-ngiti ang bumulagang kati sa isipan ni Carlo na parang nakita na niya noon ang mukha ng empleyado.
Hindi niya pinakita ang kanyang naramdaman at sumagot na lang ng “No Problem” bago umalis. Bahala na kung nasupladohan bigla si Katrina.
Kailangan niya lang malaman kung saan nanggagaling ang kutob niya…
~~~
Pagkatapos ng gabi kung saan nakita niya si Katrina sa opisina, hindi na natanggal sa isipan niya na baka nakita na niya ito kahit sa simpleng pagdaan lang sa kalsada kaya ninais niyang alamin ang mga mahahalang detalye sa buhay nito.
Si Katrina Pascual ay isang tipical na babae. Walang espesyal sa kanya. Kung sa itsura, pasado na. Pang-karaniwan ang mga nakukuhang grado. Mother: deceased. Ang tatay naman wala ng trabaho pagkatapos nagkaroon ng partial stroke. Namatay ang nanay dahil sa sunog habang nago-overtime sa trabaho bilang sekretarya sa kumpanya ng mga Dominguez.
At makailang taon na ang lumipas nang nakasama ang nanay ni Kat sa meeting sa hotel kung nasaan din sila noong bata siya na nagsimula ng pagkakilala niya sa isang batang iyakin.
Ang siyansi niya noon ay si Katrina Pascual, ang sekretarya niya ngayon.
BINABASA MO ANG
My Husband My Boss
RomancePart-time secretary ni Carlo Villafuerte si Katrina habang siya ay nagaaral ng kolehiyo. Alam niyang hindi naman siya isang magaling na secretary kumpara sa ibang babae na may karanasan na bilang secretary kaya ipinangako niya nung una pa lang na "g...