Chapter Two
Ginabi na si Katrina ng nakauwi siya sa bahay dahil may tinapos pa siyang project sa bahay ng kaklase niya. Nakaramdam agad siya ng kaba pagkapasok sa pinto.Tahimik dito at walang nag-abang sa kanya pagpasok.
“Nandito na po ako,” sinigaw niya para ipaalam na nakauwi na siya pero walang bumati sa kanya.
Natigilan siya pagpasok niya ng sala dahil may mga pulis doon na nakaupo kasama ng kanyang ama.
“Ano po ang ginagawa niyo dito?” Hindi niya mapiligan maitanong.
“Kayo po ba ang anak ni Analisa Pascual?” tanong ng isa.
“Ako nga po, may nangyari po ba? Pa, anong meron?”
Hindi makasagot ang tatay niya dahil namumutla ito.
“Gusto lang po namin ipaalam sa inyo na may natagpuan pong katawan kanina na kaka-verify lang po na ito ay kay Mrs. Analisa Pascual.”
Tumula ang mga luha galing sa mga mata ni Katrina. “Bakit po kailangan pang i-verify? Ano po ba ang ikinamatay niya?”
“Siya po ay…”
...
"Nay!" Niyakap niya ang nanay niya pagkakita sa katawan nito. Totoo nga ang sinabi ng mga pulis. Paano nangyari ito?
~~~
Pinagmasdan ni Katrina ang sarili niya ng gabing iyon habang hinihintay si Mr. Villafuerte. Nakapusod ang kanyang buhok dahil sabi ni Mr. Villafuerte na wag itong ilugay. Medyo kulot naman yung buhok niya kaya maganda din tignan kahit hindi niya masyadong ayusin. “Natural” look, ika nga. Sinuot niya yung black dress na nireserba niya sa mga ganitong klaseng event sa kumpanya. Paminsan-minsan din kasi sinasama siya ni Mr. Villafuerte sa social gatherings. Simple lang naman yung damit pero elegante. Hindi din naman kasi siya nagsusuot ng alahas dahil baka manakawan lang siya sa may bahay nila.
Beep!
Nataranta siya ng narinig niya ang tunog ng sasakyan ni Mr. Villafuerte at kinuha niya ang maliit na bag sa upuan.
“Alis na po ako,” paalam niya sa tatay niya at humalik sa pisngi.
“I-i-ingat ka,” sagot nito.
“Opo.”
~~~
“Ano po ba yung event dito, Mr. Villafuerte?” tanong ni Katrina noong nasa venue na sila.
Nasa function room kasi sila ng hotel. Masyadong magara para sa simpleng meeting lang. Baka may nagbi-birthday o nagce-celebrate ng anniversary.
“Mamaya na pag nandito na ang lahat. Oo nga pala dahil naman three years na tayong magkasama, you can stop calling me Mr. Villafuerte. You can call me Carlo para mas maganda. Ayokong masyado tayong formal. I’ll even start calling you Katrina.”
Natulala si Katrina. Hindi ba iyon naman ang gusto ng boss niya? Yung formal yung relationship nila? Anong nangyari?
“Sige po, Sir- I mean, C-carlo.” Ang weird na tawagin ang boss niya sa first name nito!
Pero ngumiti naman ito at parang naglambot ang mata. “Thanks, Katrina. Come on.” Hinila nito ang kamay niya pero bigla itong napatigil. “By the way, do you know this function room has a significance sa lahat ng taong nandito ngayon?”
“Hindi po.”
“Well, it does. It’s called the ‘Palazzo Amante’ or the ‘Palace of Lovers’ dahil dito kasi lagi naga-announce ng kasal ang dalawang magkasintahan sa amin mga business associates. I don’t know how the tradition first started pero I remember when I first saw someone proposed here… in this room.” Saglit siyang napapikit ng kanyang mata.
Wow, ang haba pala ng pilikmata ni Sir- este, Carlo. Ngayon ko lang napansin – at wala kang karapatan pansinin yun unless na lang na napuwing siya at ikaw mismo ang inuutusan niyang hipan ang mata niya pero… malabo na talaga yun mangyari! Gumising ka nga sa imahinasyon mo, Katrina. Nakita mo na ngang nagkwe-kwento sayo yung boss mo, tulo-laway ka pa diyan.
“I was seven noon,” simula ni Carlo. “My parents brought me here to introduce me to everyone. Natutuwa ako dahil ang friendly ng mga tao sa akin tapos ang sarap pa ng pagkain nang biglang nag-stop yung music tapos may lalaking nagsalita. Nag-announce siya na mayroon siyang gustong gawin matagal na . Lumapit siya sa isa sa mga babae at biglang lumuhod tapos sinabi ng walang padalos-dalos, ‘Will you marry me?’ At simula noon, pangarap ko na din na dito ako magpo-propose sa babaeng mapapakasalan ko- na hindi nangyari noong napilitan ako ipakasal kay Celine.”
Tahimik na lang siya dahil hindi niya alam kung ano ang nararamdaman nito ngayon.
“It doesn’t matter right now. Siya nga pala, mamaya after ng first announcement aalis na tayo dito. May pupuntahan tayo. And Katrina?”
“Po?”
“Mamaya baka magkagulo dahil sa nangyari kaninang umaga, if that happens, I want you to keep calm and don’t say a word until you hear everything I’m going to say to you.”
“Yes, sir.”
“Good, saktong nandito na silang lahat. Let’s go up front malapit sa stage.”
Biglang tumigil ang music at kinuha ni Carlo ang mike sa stage. Nagulat si Katrina sa pwesto niya.
Anong meron?
“Hi, alam ko po na may mga nagalit kanina sa akin nung bigla na lang po akong nagwalk out sa simbahan kanina, kailangan ko lang po umalis. Urgent po kasi- pero that wasn’t the real reason I wanted to get away from the wedding. Sa totoo po kasi, I just wanted to do everything properly.”
Napangiti si Celine at itinaas ang mukha na parang nagmamalaki pa. Nagtaka naman si Kat kung ano ang ginagawa ng Sir Carlo niya.
Nandito pala sina Celine? Pero ang gulo, di ba ayaw niya magpakasal kay Celine? Inisip niya nang biglang lumapit sa kanya si Carlo at biglang lumuhod at naglabas ng maliit na kahon.
Nakarinig siya ng pagsinghap sa likod niya pero hindi na niya matukoy kung sino yun dahil nakatulala pa rin siya sa boss niyang hindi niya maintindihan kung ano ang balak sa buhay.
'Wag mong sabihin....?
“Ms. Katrina Pascual, will you give me the honor of becoming my wife?”
BINABASA MO ANG
My Husband My Boss
RomancePart-time secretary ni Carlo Villafuerte si Katrina habang siya ay nagaaral ng kolehiyo. Alam niyang hindi naman siya isang magaling na secretary kumpara sa ibang babae na may karanasan na bilang secretary kaya ipinangako niya nung una pa lang na "g...