Chapter Six

8.3K 143 6
                                    

Ang chapter na ito ay dinededicate ko kay karenzz dahil alam kong naghintay talaga siya. Sorreh ha? Pero tulad nga ng sabi ko, medyo busy pa ko at kakagawa ko lang ng "baby outline" para naman ma-organize ang thoughts ko at ung events nitong story.

<IMPORTANT READ> Nga pala, hindi ko kasi alam kung masisingit ko sa story ito pero ung wedding nina Carlo at Kat ay isang civil wedding lang at hnd sa church kung un ung iniisip nung iba dyan (baka lang naman siguro).

Chapter Six

 

“Oops sorry, Carlo. Didn’t see you there,” sinabi ni Harris na nakangiti pa din at parang hindi ito tinatablan ng masamang tingin ni Carlo.

Tao ba to? Bakit hindi siya natatakot sa ‘evil look’ ni Carlo?

Umupo na si Carlo sa tabi niya.

“Katrina, sa susunod, wag ka masyadong lalapit diyan sa lalaking yan. He’s a well-known womanizer. You might be next on his hit list.”

“Ouch, ang sakit mo naman makasalita. Parang wala tayo pinagsamahan.”

Marunong pala to mag-Tagalog? Tapos kanina pa niya ko pinagi-Ingles dahil akala ko hindi nakakaintindi. Haay, buhay.

“Hindi naman sa walang pinagsamahan. Sinasabi ko lang kay Katrina kung sino ang pwedeng makahamak sa kanya.”

“True. If you don’t take care of Katrina, I just might take her from you kung hindi mo siya pinahahalagahan pero... maybe not. I respect you too much para gawin sayo yun.”

“Mabuti naman kung ganun.”

“But then again, I just might change my tune. Malay natin.”

Parang naging tense yung mukha ni Carlo pagkasabi ni Harris noon at biglang naging makahulugan ang pagtitinginan ng dalawa.

Pass the message ba to? Bakit kailangan hindi pa sabihin. Nagkakaintindihan kaya tong dalwang to?

Ilang sandali ang nakalipas at nakarating na din ang ibang mga kasama nila sa table at nag-serve na ang mga waiters at waitresses sa kanila ng pagkain.

Nagusap tungkol sa business ang mga tao.

“Gusto mo pa ba ng kanin, Kat- Pwede nga ba kitang matawag na Kat? Siguro naman dahil asawa ka ng kaibigan ko, kasama ako sa mga taong pwede tumawag sayo ng Kat?”

Hindi napigilan matawa ni Kat. Ang daldal pala nito… at ang kulit- parang isang bata lang yung kadaldalan niya. Nakakatuwa lang.

“Pwede naman, eh ano naman ang itatawag ko sayo?”

“Ahh, kahit ano naman. Hindi naman ako mapili pero ang problema kasi ang hirap paikliin ng Harris at ayaw kong tinatawag akong Harry. Kaya ikaw bahala anong gusto mong itawag sakin, basta wag lang-”

“Harry, alam ko.”

“So ano Kat, gusto mo pa ba ng kanin? Yang chow yan, masarap.”

“Ah hindi na, busog na ko,” ani ni Kat at humawak sa tiyan.

“Kung gusto naman kasi ng asawa ko, kukuha siya diba?” Biglang singgit ni Carlo at natahimik ang mga tao sa table. Lahat nakatingin kay Carlo.

“Ay sorry, nag-alok lang naman ako.” Tinaas ni Harris ang dalawang kamay niya. “Kailan ka pa naging masungit, Carlo?”

“Sinasabi ko lang ang totoo.”

“It doesn’t excuse the fact that you’re a grouch.”

“Whatever.”

My Husband My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon