Chapter Twenty-One
5..
Mecca Ads: nabili ng Dominguez Corporation
Laking tuwa na ibinalita ni Roland Dominguez, may-ari ng Dominguez Corporation, ang kanilang pagbili sa isang sikat na advertising company tulad ng Mecca Ads.
Natapos daw ang paguusap sa negosasyon na ito noong Biyernes.
“Marami na kaming proyekto na nakaplano dito. Inaasahan naming mas lalago an gaming kumpanya kasama ang Mecca Ads.”
~~~
Tinawagan na naman ni Mrs. Villafuerte ang kanyang anak at ang asawa nito ng mabasa ang balita sa dyaryo.
Wala na itong nasabi at binigay na lang ang dyaryo sa anak niya.
Hindi mapigilang napamura si Carlo ng mabasa ang balita.
“Pano nila malalaman ang balita, Carlo?” tanong ni Mrs. Villafuerte sa kanyang anak.
Hindi pa makasagot ng matino si Carlo. Hindi pa malayo ang araw simula ng sinabi ng kanyang mama sa kanyang asawa na handa niyang tanggapin ito para sa kanya. Hindi niya alam kung may balak ba ang mama niya o tunay ang lahat ng sinabi nito.
“Hindi ko po alam.”
“Pero Carlo… akala ko ba onti lang kayo nakakaalam ng Mecca Ads project na yan? Sino ba ang mga kasama niyo sa meeting ng Mecca Ads?”
Hindi nakasagot si Carlo. Iisang tao lang ang sinabihan niya tungkol sa proyekto ng Mecca Ads at palagi niyang kasama tuwing meetings dito. Yung tao ding yun ang may alam ng lahat ng nangyayari sa Mecca Ads pati na din ang napag-usapang presyo para sa Mecca Ads.
Napatingin si Carlo sa asawa niya at hindi mapigilang mangamba.
~~~
Wala sa sarili si Katrina habang nagtatrabaho noong gabing yun. Mag-aalas dos na ng madaling araw at siya na lang ang tao sa opisina… at ang mga guwardiya. Tuluyan pa din niyang pinag-iisipan ang sinabi sa kanya ng tatay niya. At isa pa, iniiwasan din niya ang umuwi ngayon sa bahay nila ni Carlo. Nakatatak pa din sa isipan niya ang akusasyon sa mga mata ni Carlo pagkatapos nito mabasa ang balita tungkol sa Mecca Ads. At pangalawa, ang init pa ngayon sa opisina. Nagkakaubo pa tuloy siya ngayon.
Sa Dominguez nagtatrabaho noon si Nanay? Hindi ko maintindihan. Alam ko lang sekretarya siya noon. Hindi ko talaga alam anong gustong paratingin ni tay kagabi eh. At yung kay Carlo naman… hindi ko yun magagawa, bakit hindi niya yun naisip kanina? Sabi niya gusto niya ko… kung gusto niya talaga ako, bakit ang bilis niya kong husgahan ng ganun-ganun lang?
Tumayo siya at inayos na din ang gamit niya. Mahirap din pala ang magtrabaho ng madaming laman yung utak. Hindi nakakafocus ng matino.
Sa sususunod na nga lang. Masyadong magulo eh… kasinggulo ni Carlo. Bakit ba kasi ayaw niyang maniwala na hindi ako yung nagsabi sa Dominguez ng tungkol sa Mecca Ads? Ano naman mapapala ko kung ako nga yung nagsabi sa kanila? Atsaka… bakit ang init dito? Naisip niya sa gitna ng matinding ubo.
Hinawakan niya ang doorknob paalis ng opisina at napasigaw ng naramdaman ang init nito. Napatingin siya sa paligid at doon pa lang napansin ang itim na usok na nakapalibot sa opisina.
Hala! Bakit hindi ko naisip kanina? Sunog!
“T-tulong!” sinubukan niyang sumigaw. Pero sino nga ba ang makakarinig sa kanya? Hindi siya makakalabas ng pinto dahil siguradong may sunog na din sa labas dahil sa doorknob na nahawakan niya. Pano na?
“Carlo!” sinigaw niya bago siya tuluyang nawalan ng malay.
.....
Shortest update ever at cliffhanger pa! Sorry! Dala po ito ng pressure mag-update. Hindi ko alam kung kelan ko matatype ang next chapter. Abangan na lang, matutulog na po ako. Nighty-night! :>
PS: Ang mga MALI na nakita ay kasalanan ko dahil sa pagmamadali magtype habang inaantok sa harapan ng computer. Ayusin ko na lang po yung grammar pero ganyan po talaga ang magiging takbo ng storya simula noon pa. Sorry ulit sa pacing kung nabibilisan... magkakaroon muna tayo ng fast pace dahil sa turn of events. Babagal din ulit yan.
BINABASA MO ANG
My Husband My Boss
RomancePart-time secretary ni Carlo Villafuerte si Katrina habang siya ay nagaaral ng kolehiyo. Alam niyang hindi naman siya isang magaling na secretary kumpara sa ibang babae na may karanasan na bilang secretary kaya ipinangako niya nung una pa lang na "g...