Chapter Eight
“Grabe naman pala yung Mommy ni Papa Carlo. Akala mo kung saan drama umaarte.”
“Nagulat nga ako eh. Akala ko ang Papa ni Carlo yung hindi ako matatanggap yun pala yung Mama pa niya.”
“Ganyan talaga, friend. Ang mga mother- at daughter-in-law ang kadalasang hindi nagkakasundo. Pero- ikaw babae ka!” Biglang hirit ni Christy.
“Ano?”
“Ang pinagtataka ko sayo ay kung bakit hindi ka naman lumaban kahit saglit lang. Papaano kung hindi dumating si Papa Carlo para maging knight-in-shining-shining-armor mo eh di naging para kang basang sisiw?”
“Hindi naman siguro.”
“Hmmp. Huwag mo ngang gawing fairy tale ang buhay mo na maghihintay ka lang ng may sasagip sayo dahil minsan kailangan mo ding lumaban. Para lang yan sale sa SM, pagnaghintay ka pa mauubusan ka lang. Ikaw din baka magsawa sayo si Papa Carlo.”
“Sus, kung san-san mo napupulot yung mga advices mo ah! Alam ko kasi, 'Quiapo' dapat yun eh. At tsaka bakit naman magsasawa si Carlo sa akin eh hindi naman namin gusto yung isa’t isa?”
“Weh?”
“I mean, like like. Yung chuvachuchu. Wala kami noon.”
“Pero ang lakas naman ng chemistry niyo. You’re like water to his sodium. Sumasabog ang chemistry niyo!”
“Ang corny mo ah! Syanga pala, ini-invite ka namin para maging plus-one sa Sabado.”
“Anong meron?”
“May ila-launch na product ang Glimmer Intercorp. Kailangan daw ng testers kaya ayun. Greek Myth dapat yung costume tapos Masquerade.”
“Wow, ang bongga naman. May Masquerade pang nalalaman, bakit naman?”
“Hindi ko din alam eh. Sinabi lang sakin ni Celine yun daw yung attire.”
“At bakit naman nakausap mo si Celine? Kelan pa kayo naging close?”
“Bumisita siya kahapon sa office. May pinapirma kay Carlo kaya ayon, nagpaabot din ng invitation. Ang weird nga eh.”
“Yung alin?”
“Kasi ngayon ko lang nakita si Celine ng malapitan. Kaya hindi ko alam pero parang nakita ko na siya dati… Noong nakita ko siya hindi ko napigilang manginig. Parang kilala ko na siya… noon pa.”
“Hala, friend. Baka kung ano na yan.”
“Feeling ko lang naman eh.”
“Class.” Biglang napatigil sila sa usapan nang tinawag ang atensiyon nila ng kanilang professor na kakapasok lang sa room. “May announcement ako sa inyo. Magkakaroon kayo ng individual project na magiging katumbas ng 25% ng final grade niyo.”
“Ano po ba yung project namin?” Tinanong ng isang kaklase nila.
“Simple lang naman ito. Pagsasamahin ko lang ang mga topics natin sa klase. Ang concept niyo ay kailangan niyo makagawa ng product- kayo na bahala kung anong industry yung product niyo –na sigurado kayong magki-click sa customers niyo based on the datas and surveys na kukunin niyo. You have two months to work on this project. Pagkatapos ng dalawang buwan, magpre-present kayo sa klase for twenty to thirty minutes. May tatlong judges na magche-check kung tama ang ginawa niyo at yung mga audience na magvo-vote kung bibilhin or maga-avail sila sa ino-offer niyo. Doon ko ibabase yung grades niyo sa customers’ interest.”
BINABASA MO ANG
My Husband My Boss
RomancePart-time secretary ni Carlo Villafuerte si Katrina habang siya ay nagaaral ng kolehiyo. Alam niyang hindi naman siya isang magaling na secretary kumpara sa ibang babae na may karanasan na bilang secretary kaya ipinangako niya nung una pa lang na "g...