Konting babala: RUSHED po ang mga update ngayong gabi at hindi pa proofread. Babasahin ko po ito ulit pagnagka-oras pero for now... tingin ko mas gusto niyo basahin ang update. Tandaan lang ang salitang, "rushed" kapag nagtaka sa pacing ng mga update ngayon. Yun lang, ingat always.
Chapter Twenty
6..
“Nagtatampo sayo ngayon ang Mommy mo,” ibinalita ni Mr. Villafuerte sa anak.
“Dahil pa rin ba ito kay Katrina? Pa naman eh, akala ko ba maayos na? Bakit si Mama hindi siya matanggap?”
“Alam mo naman na gusto lang ng mama mo ang bagay para sa iyo. Yung tipong magiging partner mo sa buhay hindi yung hihilain ka pababa.”
“Kasama ko si Katrina sa trabaho at ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para sa kumpanya. Gusto ko lang naman sana yung tanggapin niya si Katrina katulad ng pagtanggap mo sakin. Kahit kailan bang ipagkakait ni Mama ang kanyang pahintulot dahil lumaki si Katrina sa hirap?”
“Hindi ko din alam ang sagot diyan. Mabuti pa pumunta na lang kayo dito ng asawa mo ngayon. Tignan natin kung maso-solusyunan natin yung problema.”
“Sige po.”
~~~
Hindi maganda ang hangin pagdating nila Carlo sa bahay ng mga magulang niya.
Nandun si Mrs. Villafuerte naghihintay sa kanila, kunot ang noo at hindi maipinta ang mukha. Nandun naman si Mr. Villafuerte sa may bintana nakatayo.
“Hello po,” bati ni Katrina sa kanila.
“Magandang umaga, iha,” bati din ni Mr. Villafuerte.
“Hmm.” Tinaasan lang siya ng kilay ni Mrs. Villafuerte.
“Ma, nagpunta kami dito dahil sabi ni Papa na nagtatampo ka daw sakin,” walang alinlangan sinabi kaagad ni Carlo.
“Totoo yun. Nagtatampo ako dahil ayaw mong maniwala sakin… at dahil mas pinili mo pa siya kaysa sakin. Alam kong asawa mo na siya, wala na ko magagawa at lahat pero sana naman intindihin mo din kung bakit ayaw ko na maging kayong dalawa.”
“Bakit po ba?”
“Isang beses ko lang ito sasabihin kaya makinig kayong mabuti sakin. Nabasa ko ang dyaryo nung isang araw, Carlo. Alam mo yun. Oo, aaminin ko… mali ang naging reaksyon ko sayo at lalong lalo na kay Katrina. Mali din ang ginawa namin ng Papa mo sa sapilitang pagkasal.” Napatigil ito ng saglit. “Noong pinakasalan mo si Katrina… nagulat ako pero pinilit ko itong tanggapin dahil kilala ko naman si Katrina at alam kong masipag siyang empleyado sa kumpanya. May naramdaman din akong takot… mahalaga ang kumpanya sakin at sa pamilya natin, alam mo yan. Lagi akong nangangamba sa mga dadating na paninira laban sa kumpanya kaya iniiwasan kong may mangyari pero dahil sa pagpapakasal niyong dalawa… hindi yun maiiwasan.” Lumapit si Mrs. Villafuerte kay Kat. “Hindi pa din kita gusto. At kung may pipiliin akong mapapangasawa kay Carlo ngayon, hindi ikaw ang pipiliin ko… pero ikaw ang gusto niya. Ikaw ang pinili niya. Kaya handa akong harapin ang mga susunod na paninira basta… wag lang akong iwan ng anak ko. Ayoko na maulit ang araw na pinapili ko ang anak ko… at pinili niyang umalis.”
“Ma…”
“Patapusin mo muna ako, Carlo.” Huminga ng malalim si Mrs. Villafuerte bago kinuha ang mga kamay ng isang gulat na gulat na Katrina. “Hindi kita gusto para sa anak ko… pero para sa kanya, pipilitin kong gawin yun kahit ano man ang mangyari.”
At niyakap ni Mrs. Villafuerte sa Kat sa harapan ng nakangangang Mr. Villafuerte at Carlo.
~~~
“Tay, sorry po hindi na kita palaging nakukwentuhan tungkol sa buhay ko. Andami na po kasing nangyari sakin. Pero ngayon, tay, kailangan ko po ng payo niyo. Ang gulo na po kasi ng mga nangyari simula nang pinakasalan ko si Carlo. Nakwento ko naman po yun, diba?” Nasa kwarto ngayon si Kat ng tatay niya. Naisip kasi niya na kailangan na niya ng payo mula sa magulang niya. Hindi naman niya pwedeng tanungin si Christy na siguradong may pinoproblema din ngayon. At kung sasabihin man ni Kat sa kanya ang sitwasyon, sigurado na siya sa sasabihin niya: “Gusto ka na pala ng tao eh. Ano ang pumipigil sayo? Gora lang, sis!”
At kinwento niya ang lahat ng nangyari simula ng nagpakasal siya sa kanyang boss.
“At yun nga po, napatigil niya yung mga bulungan sa opisina. Saka po, hindi na rin po ganun kasama ang loob sakin ni Mrs. Villafuerte. Pipilitin daw po niya kong magustuhan. Pero hindi din po nagtatapos yung problema doon eh! Nagbanta na samin ang kumpanya ng mga Dominguez. At alam kong galit si Celine samin ngayon – lalo na sa akin. Tay, di ko na alam ang gagawin ko. Ang gulo!” pagtatapos niya ng kwento.
Nagulat siya nang makita ang itsura ang tatay niya. Mukha itong gulat na gulat at pilit na sinusubukang magsalita.
“D-dominguez k-k-kamo? Y-yun yung pa-papakasalan ni C-Carlo n-noon?” Bigla itong inubo kaya kinuha niya ito ng tubig.
“Opo, Dominguez nga po ng Dominguez Corporation. Bakit po? Kilala niyo po ba sila?”
Lumaki ang mata ni Mr. Pascual. “S-sa mga Dominguez!”
“Ano po meron sa kanila?”
“S-sa D-D-Dominguez nag-trabaho ang m-mama mo n-nung nab-b-buhay pa siya!”
BINABASA MO ANG
My Husband My Boss
RomancePart-time secretary ni Carlo Villafuerte si Katrina habang siya ay nagaaral ng kolehiyo. Alam niyang hindi naman siya isang magaling na secretary kumpara sa ibang babae na may karanasan na bilang secretary kaya ipinangako niya nung una pa lang na "g...