Dahil po tinatamad akong mag review sa gen psych nag update ako
Nawalan kasi ako nang gana mag review. Midlerm examination pero nawiwindang utak ko.
Heres may new update. Enjoy reading.Ross POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. Ilang linggo na din ang nakaraan mula nang mangyari ang sagutan namin ni Herald. Ikinatuwa ko na hindi siya nagalit sa akin. Dahil dito ay sinikap kong makabawi. Palagi ko nang pinapaalam sa kanya ang schedule ko para di na siya magtaka kung sakaling di ako makauwi ng bahay. Masasabi kong unti unti ay nakakasanayan na namin ang set up naming naming. Kahit sabihing tahimik lang si mama alam kong may nilulutong planu yun, kung kaya kailangan namin ni Herald na maging handa kung sakasakali. Hindi ako yung tipo nang taong nag aalmusal sa umaga, pero dahil palaging nag hahanda si Herald ng agahan ay hindi ko matanggihan. Kung kaya kahit papanu ay nakakasanayan ko na. Ayaw ko ding isipin nya na nasasayang yung effort niya. Ayaw ko ding muling sumama ang loob niya.
Kapansin pansin din yung pagiging maalalahanin ni Herald. Palagi na nya akong pinaaalahanan nang mga bagay bagay gaya nang kumain sa oras, mag iingat pag uwi at madami pa. Simpleng mga paalala na nagbibigay saya sa akin na hindi ko naman alam kung bakit. Siguro dahil ngayun lang uli may taong nag aalala sa akin.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung anu at saan si Herald nagtatrabaho. Gusto ko sanang alamin dahil ayaw ko man aminin ay nag aalala din ako. Palagu nalang kasing gabi na aiya umuuwi. At palaging pagod. Tapos maaga pa siya nagigising upang magluto nang agahan. Ayaw ko namang mag tanong dahil baka ma ungkat pa yung nakaraang away namin. Sinabi ko na kasing ayaw ko nang maulit iyon dahil di maganda sa pakiramdam.
Kasalukuyan akong nasa office ko. May tinatapos akong mga report nang tumunig ang phone ko hudyat na may tumatawag. Agad itong sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.
"Hello? " Bungad ko ang masagot na ang tawatawag.
" Hi Ross my darling, are you free tonight? Would you like to hangout? " sagot nang nasa kabilang linya. Hindi ko na tinanong kung sinu ang nasa kabilang linya. Sa boses palang niya ay kilala ko na ito.
"Sorry Irene, I need to go home early today." apologetic na sabi ko sa babaeng nasa kabilang linya. Irene is one of my fling na matatawag. Kung baga pampalipas oras lng. No strings attached.
Simula din kasi nang magkaayos ni Herald ay di na din ako naglalalabas. Lalo na kay Irene. Mahirap din kasi pag nalaman ni mama.
Hindi rin nagtagal ang pag uusap namin ni Irene at nagpaalam na ako sa kanya. Balik trabaho na ulit sa ako nang muling mag ring ang phone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay muli ko itong sinagot.
" Yes, Pare? " Sagot ko.
"Pare daan ka mamaya dito, bonding naman tayong tatlo ni Jake. " Boses iyon ni Exel. "tagal mo na kayang di nagpaparamdam.
Matagal tagal na din kasing nagsama kaming tatlo. Di ko pa tuloy nasasabi sa kanila na sinunod ko ang payo ni Jake. Masyado ko na kasing isinusubsub ang sarili ko sa trabaho. Well alam naman nila yung dahilan. Kung anu man yon sa aming tatlo lang yun.
"Cge, dadaan ako jan."
"Sure yan ha. Hehehe. Susugurin ka namin pag di kanagpunta dito. " pagbabanta pa ni Excel.
"Kulit mo, Pre! Pupunta nga ako. Cge na nang matapos ko na tong ginagawa ko. " pagtatapos ko sa aming usapan. Napangiti ako nang matapos kung maibaba ang phone.
Subrang laki kasi ang naitulong ng dalawa kong kaibigan nang may mangyari sa akin. Sila lagi ang na palapitan at nakakasama ko sa mga oras na di ko kinakaya ang mag isa. Tinignan ko ang orasan sa aking bisig. Mag aala singko na din pala. Nag inat ako nang katawan at mayamaya pa ay inoff ang laptop at isinilid ito sa bag, nag ayos din ako nang mga kalat sa ibabaw ng table at nag disisyong umuwi muna upang makapagbihis.
BINABASA MO ANG
Lets Stop! I'm Falling in Love
RomanceMasyadong mahal ni Ross Isaac Villa Roman ang kanyang pagiging Single kung kaya kailangang humanap si Ross ng matinding valid reason upang wag matuloy ang engagement niya sa babaeng hindi nya mahal. Dito papasok si Herald Joseph Magpantay. Isang pro...