Chapter Nineteen: He's Nightmare

7.7K 221 5
                                    

Di ko mawari kung anu nga ba ang nararamdaman ko.  Tila may kung anung meron sa loob ko. Sabi ni mama excited lang siguro ako. Kaya ganito ako ngayon.  Siguro nga ganun.  Kaytagal kong hinintay ang pagkakataong ito. At ngayon ngang naririto na, di ko masabi kung gaanu ako kasaya. Ni di na nga ako mapakali. Gusto ko nang matapos ito kahit hindi pa man nagsisimula. Marahil ay nakaluko na akong tignan, dahil kanina pa ako pinagtatawanan ng dalawang matalik kong kaibigan. Eh sa hindi talaga ako mapakali wala silang magagawa.

"para kang natatae jan pre! " si Jake na kanina pa nakangisi.

"Pre calm down. Para kang manok na di malaman kung saan mangingitlog! " dagdag din ni Excel.

"Balang araw mararamdaman nyo rin yung feeling ko. At kung nagkataon ako naman ang tatawa sa inyo. " At nagtawanan ang dalawa.

"Andyan na raw siya..." Rinig kong wika nang isa sa kanyang kaibigan.

Maya maya pa ay tinawag na ang mga kumag dahil magsisimula na ang seremonya.

At muli nanamang nagsimulang mag unahan ang tibok ng puso ko.Ito na ang hinihintay ko. Sa wakas ay magsisimula na...

Ito ang malatag ko nang pinangarap. Pilit akong nagsikap upang mapaghandaan ko itong okasyong ito. At ngayon ay magbubunga na ang matagal kong paghihintay.

Ilang sandali pa ay nagsimula nang tumugtog. Naramdaman kong may kamay na banayad na humawak sa aking likuran. Si mama na nakangiting nakangiti sa akin. Niyakap ko siya nang mahigpit sa subrang galak. This is a dream come true. And she knew that this is all I want.

Hindi ko na pinagpapapansin pa ang mga taong naglalakad, iisang mukha lang ang nais kong ma kita sa oras na ito. Ang kanyang mukha.

"Hijo relax, everything will be alright," saad ni mama habang inaayos ang bow tie ko.

Heartbeats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I’m afraid to fall
But watching you stand alone
All of my doubt suddenly goes away somehow
One step closer

pagsimula ng kantang pinili ko para sa kanya. Hudyat na siya na ang kanyang pag pasok. Nilingo ko ang entrada kunsaan naroroon ang malaking pintuang nakasara. Sa pagbukas ng pintong iyon alam ko na siya ang iluluwa noon. At hindi na talaga ako makapaghintay.

I have died everyday waiting for you
Darling don’t be afraid I have loved you
For a thousand years
I’ll love you for a thousand more

At unti unting bumukas ang pinto. Animoy nasa slow motion ang lahat.

Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything take away
What’s standing in front of me
Every breath
Every hour has come to this
One step closer

Sa pagbukas ng pinto ay kitang-kita ko ang bulto ng isang taong pinagkalooban ko ng aking puso nang mahabang panahon. At ngayong araw na ito siya at ako ay di na paghihiwalayin pa.

Ganap nang nabuksan ang pintoan at kitang kita ko siya buhat sa aking kinatatayuan. Hindi ko man maaninag ang kanyang mukha dahil natatakpan ang kanyang mukha nang manipis na tela.

I have died everyday waiting for you
Darling don’t be afraid I have loved you
For a thousand years
I’ll love you for a thousand more

And all along I believed that I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I’ll love you for a thousand more

Lets Stop! I'm Falling in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon