Chapter Ten: The Act Begins

7.5K 267 13
                                    

Herald POV

Hanggang ngayon ay naninibago parin ako sa set up naming dalawa ni Ross. Isang linggo na nang pumayag akong magpanggap na lover niya. At mula non ay palagi na kaming magkasama. Wala akong sinabihan ng usapan namin. Kahit si Lorilai ay hindi alam. Mahirap na daw sabi ni Ross, baka kumikilos na ang mama nya. Naiintindihan ko naman sya at ang kanyang sitwasyon. Pero di ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung bakit ginagawa nya lahat para di lng matuloy ang gusto ng mama nya. "Meron ba syang hinihintay?"

Kasalukuyang nasa isang coffee shop kami.

" Babe, tulala ka jan. Anung iniisip mo?" nagulat pa ako sa tawag nya. Lakas maka "babe" noh? Kailangan daw kasi yun. Para kung may makakita ay isiping magkarelasyon talaga kami. Sweet diba, nakakakilig... " Hoy nagkukunwari lng kayo! Asa!" saway ng isang parte ng utak ko.

"Ha? May sinasabi ka ba?" tanong ko. Wala kasi sa kanya ang atensyon ko.

"Tsss. Anu ba kasing iniisip mo?" animong nagtatampong usisa nito.

" Sorry na." Nakangiti kong wika. Sinisikap na matanggal ang pag tatampo. " Anu ba yung sinabi mo?"

Nagbuntong hininga nalang siya.

" Ang sabi ko, kung pwedeng lumipat ka na lang sa condo ko." Litanya nito.

" Sure ka? Nakakahiya naman." pagtanggi ko.

" Ayaw ko kasing makita na mama na doon ka nakatira. Saka ang layo kaya nang tinitirahan mo. Nagbabayad ka pa. Where as kung lilipat ka di na ako mahihirapang puntahan ka. Hindi ka pa magagastusan." mahaba nyang explain.

Napaisip ako sa sinabi nya. Kahit naman kasi ako hirap din doon sa tinitirhan ko. Masyadong madaming tao. Mahal pa ang upa.

"Saka mas titigilan ako ni mama pag nalaman nyang nagsasama na tayo." dagdag pa nya.

"May magagawa pa ba ako? Wala na run naman dba. "

Isang ngiti ang gumuhit sa labi nito bago humigop ng kape.

*****
Nasa isang super market kami ni Ross. Nag-gogrocery kami nang mga kakailanganin sa bahay. Itong araw na to ay lilipat na ako sa condo niya. Mabuti na rin yun nang makatipid naman ako kunte. hehehe, Di ko pa kasi nasasabing wala na akong trabaho. Buti nalang at sa lahat nang lakad namin ay sagot lahat ni Ross. Balak ko namang maghanap na bagong trabaho pag nakaluwag luwag na ako. Sa ngayon kasi puron kami gala nang isang ito. Atlease diba we can get to know each other at makapagpalagayan kami ng loob just incase na makaharap namin ang mama nya o kahit na sino pa man.

" Babe ok na siguro ang mga to masyado nang madami eh." Sabi ko sa kanya na panay lagay nang kung anu-anu sa push cart. Oh lakas ko din ma ka babe diba? hehe Sabi nya eh tawagin ko na daw siyang babe...

"Sure ka babe?" sagot ko sakanya. " Baka naman kulang pa ang mga to." Kukuha pa sana ito ng cereal.

"Tara na sa counter at baka kung anu pang ilagay mo dito." natatawang yaya ko sa kanya.

Tumungo na kami sa counter. hindi pa namin nararating ang ang counter ay may na ka bunggoan akong push cart na tulak-tulak na isang may edad na babae. May kalakasan ang bunggoan kaya nag alala ako. Nabitiwan nito ang bag nito. Kahit na matanda na ito ay masasabi kong Maganda ito at halatang mayaman.

"Naku, sorry po maam. Di ko po kayo na pansin, Sorry po talaga." paghingi ko ng paumanhin.

"It's ok Hijo. Hindi naman ako nasaktan. No need to worry." Ganting tugon ng babae.

"Sure po ba kayo? Baka naman po may masakit sa inyo."

Lumapit ako sa ginang upang i-check. Sa ganun kaming eksena nang dumating si Ross.

"Babe what happen? " Nag- aalalang tanong ni Ross. Hindi nya ata na pansin yung babaeng nagpupulot ng bag nito. Sasagot na sana ako nang tumaya ang babae.

"Ross?" ani ng ginang. Nakita kong nag- iba ang mukha ni Ross nang makita yung babae.

" Ma-mama?" nauutal na sambit ni Ross. Kumunot ang nuo ng Babae at nag papalit-palit ng tingin sa aming dalawa.

"Ma-mama mo?" tanong ko sa kanya at agad namang tumango ito. "kung mamalasin ka nga naman." Nasabi ko sa sarili ko.

*****

Hi guys... short update lang po muna dami ko kasing gagawin ngayon eh. Till next update guys. pls comment and suggest for improvement..

eRockinLove

Lets Stop! I'm Falling in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon