Herald's POV
Ayoko nang isipin pa ang lahat. Kung anu ang meron tayo ngayon, yun nalang. Hindi ko alam kung anung tatawag ko sa nararamdaman ko. Pero willing akong e-explore kung sasamahan mo ako.
Minulat ko ang mata ko. Tuliro parin ang utak ko dulot ng nagdaang gabi.
Napalingin ako sa kaliwa ko. Himbing na natutulog si Ross. Pinagmasdan ko siya. Nabigla ako sa ginawa nya kagabi. Ngunit inaamin kong nagustohan ko ang nangyari. Pero hindi ganap ang kasiyahan kong iyon.
Nakakaramdam ako ng takot. Kahit iwaglit ko sa isipan ko ay pilit iyong nararamdaman ko. Marahil dahil walang kasiguraduhan ang kung anu mang meron kami ni Ross.
Ayaw kong isiping magiging ayos na dahil lang sa may nanyaring ganun kagabi. Ayaw kong bigyan iyon mg kulay at kahulugan. Kahit sinabi pa niyang willing siyang e-explore ang nararamdaman niya.
Dahan dahan akong kumawala sa pagkakayakap ni Ross. Ngunit bago ko paman magawa iyon ay agad din naman niya akong kinabig pabalik sa higaan at mahigpit na niyakap.
"Umaga na Ross. Magluluto pa ako ng almusal." kuyaring inis kong sabi.
"Mamaya na kasi. Wala naman akong pasok eh. " yah right sabado pala ngayon. Kaya pala. Tulog mantika ang drama ng poging nilalang na ito. "Saka kiss mo na busog na ako kaya no need to cook. "
Binigyan ko siya nang mahinang tampal sa mukha. "Tumigil ka nga jan. Keaga aga kyng amu anung kamunduhan ang pinag-iisip mo. " mabilis ako kumawala sa kanya at dali daling nilisan ang silid.
"Babe! Come back here!" dinig kong sigaw nito pero binaliwala ko siya.
Kapanson pansin abg pagiging sweet at pagiging caring ni Ross ng mga nagdaang araw. Nakakaadict na ang bango nito dahil lagi nalang nakadilit at nakayakap sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang magtanong sa sarili kung anu na ngaba kami.
Wala kaming pinag usapan hinggil sa totoong estado ng relasyon namin. Ayaw ko nading itanong pa dahil aminin ko man o hindi, gusto ko ang gamitong set up namin at masaya ako. Lihim ko tuloy napanalanging sana ay di na magbago ang ganutong set up. Nagkukunwari man kami ay feeling ko totoo na ang mayroon kami. Pero di ko parin ma iwasang mangamba.
"Hoy Herald, ikaw nga umamin ka sakin! Anu na nang real score nyo ni papa Ross? " si Lorilai. Lumuwas daw siya para pasyalan ako. Kung di ko pa alam, natural na sakanya ang lakwatsera.
"Anung score nanaman yan? Magkaibigan pa din kami syempre. Kaya nga nandito parin ako diba. " maang kong sagot.
"Alam mo bakla, showbiz mga sagot mo. Sanakikita ko naman hulog na hulog ka na sa papa Ross na yon. At siya naman, base sa pag-aalalang pinakita nya nang hinanap ka nya sa atin dati ay tiyak kong may feelings narin siya sayo. " litanya nito.
Itong si Lorilai talaga ang daming nakikita. Kulang nalang makakita nang multo para perfect na. Pero teka, ganito na ba ako ka transparent sa mata niya? Napabunton hininga ako. At umiwas ng tingin sa kanya.
"ahhh alam ko yang itsurang yan. Naku naku." parang temang na wika nito. Anu pangaba ang magagawa ko, eh bata palang ako magkaibigan na kami. Kaya kilalang kilala na niya ako. "Yung totoo Heraldo anu ba talaga?"
"Ok naman kami, sa ngayon. " Sagot ko sa kanya na hindi siya tinitignan.
"Ang labo naman. Diyos ko naman Bakla! " inis na wika nang impaktang best friend ko.
"Anu ba nan kasi gusto mong marinig? Yung di ko alam kung anu kami ngayon. Sa tingin mo ba kung alam ko itatago ko? " may inis na sabi ko sa kanya.
"Yun nga friend eh, syempre friend kita kaya nag-aalala ako sayo. "
BINABASA MO ANG
Lets Stop! I'm Falling in Love
RomanceMasyadong mahal ni Ross Isaac Villa Roman ang kanyang pagiging Single kung kaya kailangang humanap si Ross ng matinding valid reason upang wag matuloy ang engagement niya sa babaeng hindi nya mahal. Dito papasok si Herald Joseph Magpantay. Isang pro...