Herald POV
Hindi pa rin ako halos maka kilos sa inasal ni Ross. Sinu ba namang mag aakalang matalik na kaibigan pala ng boss ko itong kumag na ito. Ni di ko nga akalaing sasabihin ni Ross ang mga bagay na yun kanina. Hindi ko alam kung anu anu ang sasabihin. Lulan kami ngayon ng kanyang kotse at tinatahak ang daan pauwi ng condo. Walang nag lakas loob na mag salita sa loob ng sasakyan. pakiramdam ko nga ay tila na bibingi na ako sa aming katahimikan.
Minabuti ko nalang na wag umimik dahil hindi ko alam kung dapat bang pag usapan ang nangyari kanina. Ramdam ko pa rin ang hindi mapaliwanag na saya dahil sa ginawa nito. Pero alam kong sinusuyo lang ako nito dahil galit ako kanina. Kung totousin nga ay hindi na nya dapat dinawa iyon. Isang sorry lang mula sa kanya ay bibigay na ako. Pero yung kanina, Promise subrang kilig ang naramdaman ko. Hahaha, lumalabas ang pag ka bading ko. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa mga tanawin sa labas kahit wala namang magagandang nakikita. Ilang sandali pa ay nilamon na ako nang kadiliman.
"Herald, we're here." Paggising sa akin ni Ross. "Are you OK?" nag-aalalang tanong nito.
"Ok lang ako." Sagot ko at binuksan ang pinto ng sasakyan upang makababa na ako. Ganun din ang ginawa nya.
Sabay kaming naglakad patungong Lobby ng Building. Narinig kong binati kami ng guard. Tanging kaway lang naman ang sinagot ni Ross. Narating namin ang elevator nang walang imikan. Bakit ba nagkakahiyaan pa kami. Haist na iilang na ako ha!
"Sorry again kanina, nabigla lang ako. Hope di kana galit." Pag babasag ni Ross ng katahimikan.
Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya. "wala yun. Ganun naman talaga yung mag kaibigan diba, paminsan minsan nag kakasamaan ng loob." Sagot ko sa kanya. Ayaw kong mag bigay ng impresyon na galit parin ako o nagtatampo pa rin ako sa kanya.
" Alam ko na nahihirapan ka pa rin na mag adjust para magmukhang may relasyon tayo, kaya dapat ako din mag adjust. Ako ang may gusto nito kaya dapat mag effort din ako. Sorry." Litanya ni Ross na humaplos sa puso ko. Ramdam ko kasi ang sinsiridad ng kanyang sinasabi.
"Bawi bawi na lang pag may Time, Ross, hehehe"
Muling bumalot ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ewan ko ba. Parang may lambol nanaman sa loob ng aking dibdib. Nagulat nalang ako nang akbayan ako ni Ross at isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.
Halos hindi na ako huminga upang makuntrol lang ang sarili ko. hindi ko makayanan ang ganitong eksena. Naku Ross naman, Di ka alam kung lasing lang o nananadya lang ang lukong to eh. Bakit ba ang landi nito ngayon. Ito yata ang epekto na ininum nya kanina. Hanggang sa makarating na kami sa aming unit.
Umayos si Ross nang tayo dahil ako ang nagbukas nang pinto. Di ko pala nasabing siya pala ang may dala ng bag ko. Ok lang naman magaan naman yun. No big deal sa kanya yun, malaki naman ang katawan niya. (Teka bakit ba sa katawan tayo na punta? Naku Herald napaka "L" mo.)
Edi yun nga ako ang nag bukas ng pinto. Hindi pa man kami lubusang nakapasok ay bumungad na sa amin ang isang malaking maleta at ang taong dahilan kung bakit kamio tila nag babahay bahayan sa condong ito ni Ross. Walang iba kundi ang dakilang mama niya.
"Saan ba kayong dalawa nanggaling ha? Kanina pa ako dito." Maoturidad na tanong na mama ni Ross. Yung kaninang kilig na nararamdaman ko ay napalitan nang kaba. Nilingon ko si Ross at napansin kong nagulat din ito. Saglit lang iyon dahil kita kong pilit na pinakakalma nito ang sarili.
"Why are you here Ma?" Walang ganang tanong ni Ross sa ina.
"Is that the proper way to greet your Mom, young man?" tila yamot na wika ng mama niya. Pansin kong pareho silang wala sa ayos ang matres ay nag isip na ako nang eksena. Baka kungf saan pa kasi mapunta. grabe lang kasi ang tataas ata nang ere ng dalawang ito. Itong si Ross ni hindi man lang nagpakita nang pagka miss sa ina. Mukhang ok na naman sila nang huli naming pag kikita ah. anu bang nangyari?
BINABASA MO ANG
Lets Stop! I'm Falling in Love
RomanceMasyadong mahal ni Ross Isaac Villa Roman ang kanyang pagiging Single kung kaya kailangang humanap si Ross ng matinding valid reason upang wag matuloy ang engagement niya sa babaeng hindi nya mahal. Dito papasok si Herald Joseph Magpantay. Isang pro...