ROSS's POV
Tulad ng mga nag daang gabi, ay umuwi nanaman akong lasing. Umiikot ang paningun ko nang makapasok ako sa magulo kong condo. Tama, wala na sa ayos ang mga gamit ng condo ko.
Dumeretso ako ng kwarto. Hinubad ko ang aking damit at walang pakundangang itinapon iyon kung saan. Agad akong dumeretso sa kama. Herald kung nandito ka lang sana, hindi ako magkakaganito.
Nakatihaya lang ako at titig na titig sa kisame. Inaalala ang mga panahong magkasama pa kami ni Herald.
Sa loob ng ilang araw na pag iisip at paglalasing hindi parin matahimik ang aking puso. Ni hindi nga nagpa-function ng mabuti ang utak ko. Lagi nalang si Herald.
"Anu bang pinakain mo sakin at hindi ka maalis alis sa isip ko!!! " wala sa loob kong sigaw. Napapagod na ako.
Pero alam ko na kahit anu pa man ang gawin ko pilitin ko man o hindi isa lang ang babagsakan ko. Si Herald lang ang nakakapag payapa ng pagkatao ko. He always has way to comport me.
Suyuin mo na kasi! Dikta ng isang parte ng puso ko. Bakit ba pinahihirapan mo pa ang sarili mo. Halata naman na gusto mo siya kaya ka nagkakaganyan. Sabi naman ng kabilang parte.
Nababaliw na siguro ako, maging sarili kong utak at puso nag uusap usap.
I'm so exhausted just thinking about Herald. Tila lahat ng sistema ko ay puro Herald na lang ang tinatawag. Dinaig pa nito ang araw na iniwan ako ni Anna.
Well, aaminin kong iba talaga ang effect ni Herald sa akin.
"AaaaaaH!!! " Malakas na sigaw ko habang hawak hawak ng dalawang kamay ang aking ulo. At sinundan iyon ng pag agus ng mga luha ko.
"Herald please, I need you in my life. " usal ko habang unti unting nilamun ako ng kadiliman.
(pwedeng the end na? Haha syeempre KINABUKASAN)
Nagising ako ng nagngingitngit ang aking ulo. Pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko. Maliwanag na sa labas pero wala parin sa ayos ang katawan ko kaya nanatili akong nakahiga.
Inalala ko ang nangyari nang nagdaang gabi. Muli kong pinikit ang mata ko at nagbakasakaling makahanap uli ng antok upang muling makatulog. Ayaw kong bumangon.
Walang anu-anu ay tila nabuhay ang kalamnan ko nang masarap na amoy ang aking nalanghap. Kasabay noon ay mga kaluskos na nang gagaling sa labas ng kwarto. Nagising ang curiosity ko at kahit tinatamad pa ay bumangon ako upang alamin ang nangyayari sa labas.
Hindi paman ako nakakalabas ay napansin ko na tila may nagbago sa kwarto. Napakunot-noo ako nang mapagtanto ang namgyari.
Sa loob ng mahigit dalawang linggo ay hindi ko inayos ang kwarto. Kahit lasing ako ay alam kong makalat ang kwartong ito kagabi. Ngunit nag-iba ito. Luminis at naging maayos ang buong kwarto. Dali dali akong lumabas. Lalo akong na gulat nang makita ang labas. Kung kagabi ay tila dinaaman ng bagyo, ngayon ay balik sa ayos muli ito. Iba bang bahay ang napasukan ko kagabi?
"Good morning po." nagulat pa ako nang marinig ang boses ng bumati. Dahan dahan akung lumingon. At hindi ko inaasahang makikita ko siya rito. " Sir Ok lang po ba kayo? "
Tumango lang ako, "Pinapunta ka ba ni mama?" tanong ko. Yun kaagad ang naisip ko nang makitang dito si Aya. Ang isa sa mga katulong sa mansion.
Hindi ito tumugon sa akin. Bagkos ay dire-detso itong nagtungo sa lusina. Nakadama ako ng inis.
Aaminin kong hindi si Aya ang ninais kong maabutan. Napabuntong hininga ako sabay upo sa hapag kung saan nakahanda na ang pagkain.
"Aya, kape nga! " utos ko. May kalakasan iyon upang marinig niya.
BINABASA MO ANG
Lets Stop! I'm Falling in Love
RomanceMasyadong mahal ni Ross Isaac Villa Roman ang kanyang pagiging Single kung kaya kailangang humanap si Ross ng matinding valid reason upang wag matuloy ang engagement niya sa babaeng hindi nya mahal. Dito papasok si Herald Joseph Magpantay. Isang pro...