Herald POV
Dahil opening shift ang schedule ng trabaho ko ay wala pang six o'clock ay nakalabas na ako ng resto bar na pinag tatrabahohan ko. Napagdisisyunan kong magluto ng hapunan kung kaya dumaan pa ako sa super market upang mamili ng lulutuin. Hindi na ako nagtext pa kay Ross dahil sasaglit lang naman ako.
Nang marating ko ang super market ay hindi na ako nahirapan pang kunin ang dapat kung bilhin dahil kabisado ko na ang pamilihan. Sa pag mamadali ko ay hindi ko na namalayan ang taong na kayuko na tila may inaabot sa pang ilalalim na parte ng display area. Nabunggo ko ang taong yon na naging dahilan nang pag kakadapa ko at gumulong sa isang display island ng isang de lata. Bigla akong kinabahan nang makitang isa-isang nahuhulog ito pabagsak sa akin.
Bawat tama ng lata ay ramdam ko ang sakit at maya maya pa ay sangkatutak na tala na ang nagbagsakan. Sapuntong iyon ay tila kinain nang kadiliman ang aking pananaw at dindi ko na alam kung anu pa ang mga sumunod na eksena.
Ross POV
Pagka balik ng opisina mula sa Resto bar ng pinagtatrabahohan ni Herald ay agad akong naupo sa swirling chair. Wala pang isang minuto ako nakakaupo nang tumunog ang telepono na agad ko namang sinagot.
"Ross, anak?" Boses ni mama ang bumungad sa kabilang linya. Sa buses nito ang pag-aalala. Marahil ay nalaman na nito ang nangyari kanina.
"Yes ma? Napatawag kayo? Nasa Office na ako ngayon." Sagot ko kay mama. Pilit kong inayos ang tono ng aking boses.
"Good pupunta nalang ako diyan." Binababa ko na ang telepono pag katapos sabihin ni mama yon. Sa tingin ko ay maha-hot seat nanaman ako ng mamako. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Hinanda ko na lang ang pagdating ni mama dahil mahaba habang usapan din siguro ang magaganap. Kung sabagay, kailangan ko din siyang makausap.
Pag kadating ni mama sa opisina ay agad nitong ikinewento ang nangyari kaninang tagpo kasama si Anna. Napag alaman kong ang Papa pala ang may kagagawan ng sponsorship. Hindi na ako nagtaka pa. Palagi namang ganun ang papa. uraurada kung magdisisyon at hindi na pinaparating sakanilang mag ina. Lalo tuloy akong nainis sa aking papa.
Mula nang magka isip ako ay mabibilang sa mga daliri siguro ang mga pagkakataong nakakasama namin siya. Madalas ay busy ito sa mga business nito sa ibang bansa. Ni hindi ko naramdaman ang pagiging ama niya. Panay sita pa nga ito at tanging mali ang mga napupuna.
"Sorry kung wala akong magagawa, hijo. Alam mo naman siguro kung anung klaseng tao ang iyong papa." Malungkot na tugon ni mama. Napansin kong lumungkot ang mukha nito.
"Hindi mo yun kasalanan ma." Masuyong wika ko. Alam kong gusto niyang tumulong kaya lang ay wala rin naman itong magagawa lalo na at si papa ang nag disisyon. "Wag nyo nang isipin pa ang nangyari. Marahil nakatakda na talagang mangyari ito ma."
"Pero hindi ka pa Handa?" tanong agad ni mama. Tumingin ako sakanya at ngumiti ng pilit. "Kung hindi ngayon Ross, kelan ka magiging handa? Hindi ba't dapat ay hinaharap mo na ngayon ito. Masyado nang mahaba ang Limang taon hijo."
Umiwas ako nang tingin kay mama. Hindi ko alam kung anu ang isasagot ko sa kanya. Batid kong nag-aalala siya sa akin.
"Alam mo ba anak nang makita kitang ngumiti kasama si Herald ay subrang saya ko. Nakita ko yung dating ikaw. Kaya kahit sabihin na pareho kayong lalaki ni Herald ay wala akong pake ang importante ay makita ko ang anak ko sa dati nitong pagkatao." unti unti nang lumuha ang mga mata ni mama. May kung anung sakiy akong naramdaman sa aking loob.
"Pero nak, nakikita ko bumabalik ka nanaman sa dati. Natatakot kang harapin ang itinuturing mong bangongot. Bakit anak? Anu bang ikinatatakot mong harapin at kausapin si Anna? Mahal mo pa ba siya anak?" Bigla akong napatingion ka mama sa tinuran nito.
BINABASA MO ANG
Lets Stop! I'm Falling in Love
RomanceMasyadong mahal ni Ross Isaac Villa Roman ang kanyang pagiging Single kung kaya kailangang humanap si Ross ng matinding valid reason upang wag matuloy ang engagement niya sa babaeng hindi nya mahal. Dito papasok si Herald Joseph Magpantay. Isang pro...