Herald POV
Sinong mag aakala na makakarating ako sa lugar na ito. Puting buhangin, asul na dagat, at preskong hangin. Nakakarelax. Nandito ako ngayon sa El Nido Palawan. Bakit? Sekretong malupit! Hahaha.
Joke lang. Kinaladkad lang naman ako nabg dakilang mama ni Ross. Ni di na nga ako nakapag paalam. Sino ba naman ang makakatanggi kung pagbukas mo nang pinto ay hinugot ka na kagad nang walang anu mang paliwanag.
Flashback
Katatapos ko lang magluto nang agahan. Sa totoo lang hindi na ako nakatulog kagabi. Kahit anung pilit kong maghanap ng antok. Occupied talaga ang utak ko nang mga pagyayari kagabi. Pilit kong inalis ang mga yun puro talagang nagsusumiksik. Sini ba kasi yung Anna na yon. Bakit ganun nalang yung epekto niya kay Ross.
Pagkaayos ng mesa ay naghanda na rin ako. Balak ko kasing umuwi ng pampanga upang dumalaw sa puntod ni nanay. Lingid kasi sa kaalan ni Ross ay umuuwi ako ng probinsya upang dumalaw at bisitahin ang bahay namin.
Sinilip ko muna si Ross sa kwarto nito. Himbing na natutulog ang kumag. Kung pwede lang sanang batukan. Napabunton hininga nalang ako. Hulog na talaga ako sa taong ito. At aminin ko man o hindi, nasasaktan akong makita siya sa ganoong kalagayan.
Pagkabihis ko ay nagdisisyon na akong umalis upang makabalik ako nang maaga.
Walang anu ano'y tumunog ang door bell kasabay nang sunod sunod na katok. Agad kong tinungo ang pinto upang tignan kung sino ang bisita na kaaga aga'y namumulabog na.
Pagkabukas ng pinto ay agad akong hinatak nang taong nasa harapan ko. Agad namang sinara nang kasama nito ang pintuan at sumunod.
"Te-teka! " Natatarantang wika ko.
"Day-off mo sabi ni Excel kaya samahan mo ko may pupuntahan tayo!" tugon nang himihila sa akin. Kumunot ang noo ko nang mapagtantong kilala ko pala siya.
"Tita?" nagpapatianod na lang ako sa paghila niya sa akin.
"The one and only hijo! " nakangising sagot nito.
"Saan po ba tayo pupunta? " nag aalalang tanong ko. Hindi ko talaga napansing na mama pala ni Ross ang humablot sa akin. Ibang iba ang suot nito ngayon kumpara sa karaniwang pormal na damit na laging sinusuot nito. Aakalainin mong dalaga ito sa suot na yellow summer dress. Na alala ko tuloy si Quinn ng glee sa saot niya. Magkahawig kasi sila. O mas ok sabihing siya ata ang older version.
"Don't worry hijo, everything will be fine. At nasisiguro kong mag eenjoy ka sa pupuntahan natin." tila excited na bulalas ni Tita.
Wala na din naman akong magagawa. Hindi ma rin naman ako makakahindi sa kanya. Sa takot ko lang.
End of flashback
Ngayon lang ako naka punta sa ganitong lugar. At talaga naman namangha ako nang makarating kami dito.
Noong una ay hindi sinabi ni Tita kung saan kami pupunta. Surprise daw. Kakaloko talaga mga trip ni tita. Pero ok narin na ganito. Kahit papanu ay magkakaroon kami nang space ni Ross.
Hindi alam ni Ross kung nasaan ako. Balak ko sanang itxt siya pero sa kasamaang palad ay aksidenteng nahulog ang phone ko sa bangka. Naghinayang talaga ako ng sobra dahil bigay ni Ross yon. Pero sabi ni tita bibilhan nalang nya ako nang bago tulat naman daw ay out dated na raw yung unit ng phone ko. Bibilhan nya nalang daw ako na iPhone color ba yun, para sosyal daw. Pwede naman daw e-request na ganyn padin namang number ang gagamitin mo.
Wala din akong dalang mga gamit. Nagulat nalang ako nang pag kadating ko sa silid na tutuloyan ko ay may mga paper bags nang naghihintay sa akin na naglalaman nang mga damit. Halatang mamahalin ang mga ito, sa paper bag palang makikita na ang mga tanyag na mga tatak.
BINABASA MO ANG
Lets Stop! I'm Falling in Love
RomanceMasyadong mahal ni Ross Isaac Villa Roman ang kanyang pagiging Single kung kaya kailangang humanap si Ross ng matinding valid reason upang wag matuloy ang engagement niya sa babaeng hindi nya mahal. Dito papasok si Herald Joseph Magpantay. Isang pro...