Chapter Seven: We Meet Again

8.6K 281 8
                                    

Herald POV

"Hoy! Herald tumawag na ba si poging Ross?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Kasalukuyan kasi ako ngayong nasa locker room ng pinagtatrabahoan ko. Kanino pa ba manggagaling yung boses na yun, edi sa bestfriend kong pinaglihi sa megaphone. Araw-araw nalang nangungulit ang hitad na to.

Aaminin ko namimiss ko din yung taong yun. Akala ko nga noong umalis ay mawawala na din kami ng koneksyon. Wala kasi akong cellphone. Di din nan kasi ako mahilig makipagtxt. Hindi ko naman kasi kailangan. Pero nagulat ako nang buksan ko ang paper bag na bigay nya bago siya umalis. Sinong hindi, ikaw ba naman bigyan ng cellphone, iphone pa, sa news paper ko nga lang ito nakikita eh. Ang yaman yaman talaga siguro nun. Nang sumunod na araw tumawag siya upang sabihing safe siyang nakauwi. Pagkatapos ng tatlongpong minutong pag-uusap ay nagpaalam na ito.

"Hoy! NakatulalA kananaman dyan!" pagpuna ni Lorilai sa akin na ikinagulat ko naman.

"Hindi ka ba nakakapagsalita ng mahina lang? May planu ka atang basagin ang ear drum ng mga taong kausap mo eh." pagalit kong sabi. Pero alam naman niyang biro lang yun. Ngumiti lang siya sa akin.

"kasi naman kanina paako talak ng talak dito di kanaman nakikinig. San ba isip mo?" tanong nito na tila may kung anung gustong pahiwatig ang mga mata. "Iniisip mo si Ross no?"

"Tigilan mo nga ako, timang ka talaga. Pagtripan ba ako." pagtatanggi ko.

"Naku Herald tanggi pa. Namumula ka oh. Aminin mo na kasi namimiss mo na si Pogi!" anito sabay tulak sa akin. Wala ba akong pwedeng maitago sa kanya?

"Oo na! Ayan masaya ka na?" inis kong sabi. At tinawanan lang ako.

"Pero seryoso bestfriend, masaya ako dahil napadpad si Ross dito satin." seryosong wika nito. Napatingin lang ako sa kanya at naghihintay nang isusunod na sasabihin. " Kasi nakita ko na malaki ang naging impluwensya nya sayo. Natututu ka nang magsaya at mag step up."

Totoo naman ang sinabi nya. Sa mga nagdaang araw ay hindi na ako masyadong aloof sa mga tao. Hindi ko na rin masyadong inaalala si inay dahil natanim sa akin ang sinabi ni Ross na kailangang pakawalan ko na siya at mag move on. Salamat kay Ross.

Speaking of Ross, kamusta na kaya siya? Paminsan minsan lang kasi yun nag paparamdam. Nauunawaan ko naman dahil busy ito sa trabaho. Minsan kasi naikukwento niya yung tunkol sa kompanyang pinamamahalaan niya. At ngayong linggo nga ay di ito nagparamdam. Nalungkot tuloy ako. Iba kasi yung feeling pag naririnig ko yung boses nya. O kaya makatxt man lang. Mukhang ewan nga ako eh.

"Syanga pala bestfriend, nakita mo naba yung naka post sa bulitin kanina?" seryosong tanong ni Lorilai.

Alam ko ang tinutukoy nito. Iyon ay ang list ng mga maeend of contract sa bukas. Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko at tumingin sa kanya.

"Wala na tayong magagawa pa don. Maghanap nalang tayo ng bagong maaaplayan." nasabi ko nalang.

Isang taon lng kasi ang kontrata ng pinagtatrabahohan namin. Sabay kaming natanggap nitong kaibigan ko kaya sabay din kami matatapos.

"Pero bestfriend may papasukan na kasi ako. Ipinasok kasi ako ng tito ko sa pinagtatrabahohan nya." Mukhang nag aalangang sabi nito.

"Ganon, saan naman baka pwede din ako doon." tanong ko sa kanya.

"Sa maynila bestfriend. Mas malaki kasi yung sahod doon. Gusto nga kitang isama kung gusto mo. Nasabi ko na din naman kasi kay tito na pati ikaw nangangailangan ng trabaho."

"Yun naman pala eh, sabihin mo sa tito mo sasama ako." Walang patumpik tumpik na sagot ko sa kanya.

Hindi ko na pinag-isipan ang sinagot ko. May isang part ng puso ko na tila naexcite. Wala naman atang masama kung susubukan kong magtrabaho sa maynila. Maiintinsihan naman ata iyan ni inay kung saka sakali. Pero sa isang banda ng puso at isip ko may nabubuong imahi nang taong gusto kong masilayan. Napangiti ako ng lihim.

"Sure na yan ha! Wala na yang atrasan." nagagalak na tanong ni Lorilai.

"Oo nga!" Halatang hindi makapaniwala si Lorelai. Dati pa kasi akong niyayaya nitong mag trabaho sa Maynila pero tinatanggihan ko dahil sa ayaw kong iwan si inay. Ngayong wala na siya ay masasabi ko nang kaya ko na.

*****

Ross POV

Isang buwan na mahigit mula nang makabalik ako mula sa Pampanga. Binilhan ko si Herald ng cell phone upang kahit papanu ay makapag kamustahan naman kami. Kahit papanu ay naging magkalapit na rin ang aming mga loob.

Balik trabaho naman agad ako. Sa loob nang isang linggong pamamalagi ko kina Herald ay natambak naman ang mga gawain sa aking opisina. Kaya ito ako ngayon at subsub sa trabaho nang makabawi naman.

Hindi naman mawawala ang sandamakmak na sermon ng mama ko na pinagwalang bahala ko nalang. Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka ma badtrip pa ako.

Paminsan minsan ay natatawagan ko si Herald upang makamusta ko naman siya. Ngunit nitong nakaraan ay naging busy ako sa trabaho lalo pat pina attend ako ng mama sa isang meeting sa Japan. Heto ngat kalalapag lang nang sinasakyan kong eroplano mula Japan.

Pagkalabas ng NAIA ay agad akong sumakay sa sasakyang pinadala ko rito. Dahil sa gusto kong mag relax, pinagpasyahan kong pumunta sa Bar na pag-aari ni Exel. Nang makarating sa lugar ay nakita kong nandoon ang dalawang mga ungas na busy sa mga chicks nila. Well, ganun lang naman yung bisyo namin para maibsan din ang pagud namin. hahaha. Lalaki kaya kami.( Anong konek?)

"Pare! Nandito ka na pala? Kelan ka Dumating?" Tanung ni exel nang makalapit ako sa kanila.

""Ngayon ngayon lang, dito na nga ako dumeretso eh." Sagot ko naman sabay upo sa bakanteng silya. agad kong tinawag ang waiter at umurder nang maiinom.

Medyo madami nang tao at maingay na din ang paligid, pero hindi ko nalang ito pinansin. Nilibot ko ang paningin ko na nagbabakasakaling may mga kakilala ako doon. Sa isang banda nang bar ay nahagip nang aking paningin ang isang babaeng may hila-hilang kasama na tila ba pinipilit niya itong pumunta nang dance floor. Kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar ang babaeng yun/ Kahit naman may papanu ay may nga ilaw naman upang maaninag ang mga tao. "Marahil ay kamukha lang ni Lorilai. Imposible namang nandito sila." Nasabi ko sa sarili. Ipinagwalang bahala ko nalang iyon at nagpatuloy sa pag-inom kasama nang mga kaibigan ko.

Napansin ko ding may mga kababaihan na panay ang tingin sa akin. Nginingitian ko nalang satuwing nahuhuli ko silang nakatingin. Wala kasi akong ganang makihalubilo ngayon. Sabi ko nga pagod ako.

"Ano ka ba naman, kaya nga tayo nandidito para mag enjoy diba?" Dinig kong sigaw nang isang katabi namin. Grabe para kasilakas nang sigaw ng kakilala ko.

"Ikaw lang naman ang gustong pumunta dito. Diba sabi ko ayaw ko." Sagot naman nang kausap na parang pamilyar ang boses. May kung anu akong naramdaman. Lumingun ako sa kanila, Hindi ko masyadong maaninag.

Nakita kung tumayo ang isa at tinungo ang labasan. Pero hindi ako maka paniwala, maikli man ang pinagsamahan namin ng taong iyon ay hindi ko siya makakalimutan. kaya sinundan ko siya upang masigurong siya nga yon kahit naman na sigurado na akong siya yon. Na excvite ako. Ang tagal ko rin na hindi ko siya nakita. Bading man pakinggan ay masasabi kong namiss ko siya. "Kaibigan ko eh." depensa nang isip ko.

Wala sa loob kong kinuha ang phone sa bulsa at agad na tinawagan ang phone niya, habang sinusundan siya palabas. At nakomperma ko na siya iyon. Tumigil siya upang tignan ang phone niya. Ilang sandali pa ay sinahot niya ito.

"Hello Ross, Napatawag ka?" Nahihimigan sa boses nito ang pag tataka.

"Lumingon ka sa likod mo." Sagot ko.

Walang anu-anu ay bigla naman itong lumingon. Nagulat ito nang makita ako. Napatulala nanaman ito na mukhang di makapaniwala. Napangiti ako sa kanya. Hahaha Namula pa ata.

"Ro-ross?" 

"Hi Herald, we meet again."

******

Ayan po nakapag update po ako hehehe. grabe ang hirap... nawawala ako. pagpasenxahan nyo nalang po kung medyo boring ang update ko. pinagsisikapan ko naman pong ma improve po ito. hope next update.

cge guys thanks ulit....

                                eRockinLove








Lets Stop! I'm Falling in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon