ASSUMING

20 0 0
                                    

Hindi lingid sa kaalaman ng bawat isa na kapag hindi mo naman siya kilala at gusto mong kausapin siya, wala kang ibang maiisip sabihin kundi:

Hi.

Hello.

Kamusta?.

At dahil uwian na :)

Yes. Yes. Yes. Facebook time na. Pero bakit kaya naiisip kong sana online siya. Hmp!

May something talaga eh.

May something sa ngiti niya na gusto kong lagi nakikita.

Ayan gusto ko nanaman tuloy bisitahin yung profile niya.

Hindi ko na alam kung sino sa amin ang unang nagpm (private message) pero ang alam ko nagkamustahan kaming dalawa :)

Smile :) Smile :) Smile :)

Napangiti ako ng makausap ko siya. At sa pag-uusap na yun,

Eto lang naman yung tanong niyang paulit-ulit at nakakasawa.

J**: Kaano-ano mo si Jb???

Nakakasawa nga ba???

O may naiisip akong dahilan kung bakit niya yun tinatanong. Eto yung tinatawag na "ASSUMING".

Yung pakiramdam na, may gusto kaya sya sa'kin baka kaya niya tinatanong kasi my posibilidad na pwedeng ligawan niya ko.

(Nakakahiya pero eto yung totoo. Binubuko ko yung sarili ko sa sarili kong storya.)

Gaya nga ng sabi ko "pwede ko din siyang maging kaibigan".

Kaibigaaaaaan. Oo kaibigan ko na siya.

And take note nga pala.

Araw-araw na kaming magkachat.

Dahil wala pang free facebook noon sa smart ang ginagamit ko lang pang net sa cellphone e yung free MB sa unlimited ko. Tapos habang kachat ko siya nag-aagaw buhay na din yung free MB ko kaya sinabi ko sa kanya na itext na lang ako. Ayun! Binigay ko yung number ko sa kanya. (habang sinusulat ko tong part na to naisip ko bigla yung line ni vice ganda "para-paraan" hahaha napangiti tuloy ako).

Waiting for his text message.

Papa God. Itetext po ba niya ako???

Sana.

Sana.

Sana.

Sana.

Sana.

MAGKABILANG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon