WISH

18 1 1
                                    

Sana ako na lang yung girlfriend niya. Sana ako na lang yung mahal niya. Sana ako na lang. AKO NA LANG. Lahat dinaan ko sa sana. Baka sakaling dinggin ng tadhana.

Bumaliktad ata ang ikot ng mundo ang hiling ko nagkatotoo.

Nagulat na lang ako sa nabasa ko.

"Mahal wala na kami. Namili na ako at ikaw ang pinili ko."

OK HAPPINESS OVERLOAD. Shot na yan. Hahaha de joke lang.

Nung nabasa ko yun ang dami ko pang tanong pero yung saya ko over na over.

Ang lalaking dating pangarap ko hindi na pangarap ngayon ehem AKIN NA PO SIYA.

AKIN NA AKIN NA.

Sa mga oras na yun wala akong ibang naisip kundi huli na to siya na ang huling lalaking aking mamahalin. Eto nanaman yung pagkakataon na nasabi ko yung salitang sinabi ko sa huling lalaking minahal ko. Pero sana sa pagkakataon na to magkatotoo na ang sinabi ko. Pagod na din masaktan ang puso ko. Gusto ko na din maranasan maging masaya ng husto.

December 29. Isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Totoo na to boyfriend ko na si Mahal ko. Napakasayang isipin. Napakasayang damhin.

Pagmamahal niyang nagpapasaya sa'kin.

Marinig galing sa kanyang bibig, ako ang babaeng kanyang iniibig.

Iloveyou mahal ko.
Mahal na mahal kita.
Miss na miss na kita.

Mga katagang walang sawa kong babasahin. Di ko man siya ngayon kapiling, walang humpay ko pa rin siyang mamahalin. Pananalita ko ba'y di mo na maatim. Wala akong magagawa ganyan ang hatid ng pag-ibig na ito sa akin.

Ok umaymuch na po. Ang O.A ko na at ramdam na ramdam ko yun. ;)

Hanggang dito na lang po muna. Hindi ko muna tatapusin yung kwento kasi gusto ko pa din ishare sa inyo ang lovestory ko. Mag-uupdate po ako pag may kilig moments o heartaches akong maishashare para sa inyo.

Thank's to Mhelany sa pangungulit na mag-update ako. Loveyou Mare <3

MAGKABILANG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon