MAYNILA

20 1 0
                                    


Iba't-ibang uri ng sasakyan.

Iba't-ibang ugali ng taong masasalubong sa daan.

Maynila.

Dito ko siya muling natagpuan.

Ilang linggo ang lumipas.

Hindi na gaya ng dati ang lahat. Nasa Maynila siya at wala akong ibang hiling kundi siya ay makapiling.

Na muling maramdaman ang saya kasama ang aking buhay at saya.

Nagtext siya "kita tayo. simba tayo sa quiapo."

Salitang nagbigay sa akin ng pag-asa na magbabago ang lahat. Eto na ba ang pagbabalik?

QUIAPO.

Lugar kung saan ko nakitang muli ang kanyang ngiti. Kung saan ko siya nayakap muli. Kakaibang saya ang nadarama. Kasama ko na siyang muli at kami ay masaya.

Pero ang saya pansamantala lamang pala. Gaya ng isang bagay naluluma, nasisira, itatapon, mawawala.

Isang linggo ang lumipas. Muli ko siyang nakita. Nakasama. Pero yun na pala ang simula ng panibagong sakit na aking madarama.

Segundo. Minuto. Oras.

Araw. Linggo na ang lumipas.

Hindi siya nagparamdam. Araw-araw kong hinihintay text niya tuwing umaga. Text tuwing tanghali. Tawag sa hapon. Text sa gabi.

Anong nangyari?
Masaya naman kami.
Asan siya?
Kamusta siya?
Ok lang ba siya?
Andito pa kaya siya sa Maynila?
Busy ba siya?
Sino kayang kasama niya?
May iba na ba siya?
Mas masaya kaya siya sakanya?
Pano ako?
Kinalimutan na ba niyang mahal niya ako?
Ano? Paano? Saan?
Bakit? Bakit? Bakit?

Pero ito ang biglang pumasok sa isip ko.
Kinalimutan na ba niya ako.

Madaming tanong ang naglaro sa aking isipan.

Pero lahat ng iyon ay walang kasagutan.

Lungkot.
Sakit.
Luha.
Awa sa sarili.

Yan na lamang ang aking naramdaman sa mga araw na hindi ko alam ang pangyayaring nagaganap.

Aking naging takbuhan, kanyang mga kaibigan. Sa kanila na lang ako kumukuha ng impormasyon kung ok lang ba siya. Pero nagsawa din sila. At isa sa kanila ang nagbigay ng salitang dudurog sa puso kong nagmamahal sa kanya ng sobra.

"Pabayaan mo na siya. Ikaw na lang yung laging nag-effort para sakanya."

"Pre kung ako sa'yo kalimutan mo na siya. Masasaktan ka lang."

Masakit pero totoo.

Eto ba ay salitang nagsasabing dapat ko na siyang bitawan.

Si Facebook na lang ang makakasagot sa aking mga katanungan.

Private Message:
May aasahan pb aq??? My hnihintay pb aq??? Simpleng sagot lng ung hnhingi ko tpos mgging ok na ako .

Sagot:
ok nko sa gne2.slmat s mga time n bngy mo sory s mga kslnan kng ngwa sau. ingat k nlng plge.

Ang luha unti-unti ng umaagos. Ang sakit. Ang sakit sakit. Ang taong mahal na mahal ko, ngayon ay iniwan na ako. Wala ng akong naisip isagot kundi.

Hnd q na din ipplit kc pnramdam mo na din nman na di aq mhlaga. Thank you din. Ingat ka nlang din lgi.

Mahirap sabihin pero kailangan kong gawin.

Isang bagay na lang ang dapat gawin.

Iwan ang nakaraan. Magsimula at mabuhay na parang wala lang. Wala lang ang sakit. Mahirap pero ito ang tama. Kailangan kong muling magsimula.

Kalimutan ang lahat.

Lahat ng sakit.

MAGKABILANG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon