Wrong move nanaman ako. Nagdesisyon nanaman ako ng mali sa isa pang pagkakataon.
Hay Eiram ano ba yaaaaaaaan??????
Binuksan ko lang naman yung facebook niya. Gaya ng ginagawa niya binasa ko din yung mga message sa kanya. Habang nagsscroll down ako nahawi ng mata ko pangalan niya. PANGALAN NG EX NIYA. Kahit sinong girlfriend naman siguro hindi matutuwa pag ganun ang makikita. Aba! Chat chat pa sila. At take note di pa nakontento si boyfie tinatawagan pa. Pambasag talaga. Sira nanaman ang araw ko. Sa sobrang inis ko gumawa din ako ng biggest katangahan ever.
Chinat ko si Kent tropa ko. Tawagan namin asawa.
Me: Asawa kelan ka uuwi.
Kent: May pa bakit??
Me: Wala tinatanong ko lang.
BLAH! BLAH! BLAH!
Ayun yung greatest lovestory it’s complicated na ngayon. Bowset nu???!!
Ganti pa kasi Eiram. Ganti pa!
Ngayon sarili kong kalokohang sinimulan akin ng pagsisisihan. Ano pa bang magagawa ko wala na! Nangyari na kahit magpaliwanag ako wala na din siyang papakinggan. Sayang nanaman!
Well sabi nga nila walang pagsisisi sa simula kundi laging nasa huli.
Nahihirapan akong gumawa ng paraan para suyuin siya bukod kasi sa ang layo niya ang taas din ng pride niya. Hindi ko naman kayang kontrolin yung galit niya at tanggap ko yun. Mali ako eh mali talaga ako.
Nararamdaman ko na kung ano kahihitnatnan ng lahat. Pero ayoko pa din bitawan ang 1% na pwede ko pang maayos ang lahat. Pero kung bibitaw siya wala na akong magagawa. Alam ko namang mali ako sa aking nagawa.
Hindi ako perpektong tao. Nagkakamali din ako. Pero sa pagkakamaling ito muli nanaman akong matututo.
Pero isang bagay lang ang uulit ulitin ko sa’yo Mahal ko kung nababasa mo lang ito.
“Ikaw lang ang tanging MAMAHALIN.”
“IKAW YUNG BUHAY KO. YUNG MUNDO KO. IKAW LANG YUNG TAONG SOBRANG MAMAHALIN KO.”
Kung di niya din ako papatawarin hindi ko na pipilitin. Hahayaan ko siyang sumaya. Ayokong pigilin sayang pwede niyang maramdaman. Ikakasaya ng puso kong Makita ang kasiyahan ng taong mahal ko.
Hello everyone iinform ko na lang po kayo sa susunod na mangyayari. Kung magpapatuloy pa tong story o eto na po ang huli.
Thanks sa lahat ng bumasa. Esp. to my Mare Lany. J
BINABASA MO ANG
MAGKABILANG MUNDO
Romance"Naranasan mo na bang magmahal ng taong hindi mo laging kasama?" "Magmahal ng taong gusto mo yakapin pero hindi mo magawa dahil malayo sya." At wala ka na lang kayang sabihin sa kanya kundi: "Mahal kita kahit malayo ka. Hihintayin ko yung araw na ma...