Eto na ang araw na pinakahihintay ko. Ang umuwi sa probinsya para makasama ang pamilya at syempre ang makita at makasama siya.
Malabo man na makita ko siya pero hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa. Ganun kasi pag nagmamahal ka lahat ng positibong bagay iisipin mo kasi mahal mo siya.
November 1.
Gumala ako kasama ng mga pinsan ko. Nanood ng mga nakakatakot na palabas sa iba't-ibang brgy. Pero isang brgy. Lang ang gusto kong puntahan. Brgy. Candelaria. Kung san siya nakatira. Yung positibong pag-iisip na makita ko siya nangyari nga. Nakita ko siyang nanonood ng horror play sa brgy nila. Yung ngiti niya sa pictures nakita ko na.
Yung puso ko sobrang saya. Parang gusto kong patigilin yung oras para makita ng matagal yung ngiti niya.
Ang saya ng gabi ko pano pa ko makakatulog nito.
Hindi inaasahan pero hindi nga ako nakatulog. Hindi ako nakatulog dahil kay kuya hindi sa kilig! Aba! May gwapong pinsan lang naman akong kasama sa kwarto na parang ugong ng barko kung maghilik.
Si JV nga pala ang gwapo kong pinsan na barkada ni Oreo.
November 2.
Kinabukasan paggising namin ni Kuya niyaya niya akong sumama sa swimming nila. Pero hindi ko alam kung kasama si Oreo pero sumama pa din ako nagbabakasakaling andun siya para naman makasama ko.
Yyeeeeh! Sasama nga daw siya sabi ni Kuya at Marlon.
Grabeeee!
Happiness Overload. :) :) :) :)
Andito na siya pero bakit ganun di niya ko pinapansin. Anyare??? Hmmm. Sad hah!
Pag-ahon ko sa pool tumabi ako kay Jhe pinsan ko. Tropa din niya. Yown nagsimula manganchaw si insan nakita ko nanaman yung ngiti niya, hayy bakit ang cute mo ngumiti kooyaa :D
Kaso waley hanggang smile smile lang. Ngangabels lang powhsz khameh! Uuwi akong sawi kasi ako mahal ko na siya pero siya wala lang ako sakanya!
Osya balik Manila! Next year na ulit. Tsk! Sayang yung moment!
- SHORTCUT NA LANG GUYS HAH. Over na kasi pag kinwento ko pa eh super text lang naman kami. -
December 8, 2013.
Aaaaaaaayyyy! Ggravvitty!
Boyfriend ko na my Oreo.
Happiness Overload Again.
His now my life, my world, my universe. Mahal ko talaga siya mahal na mahal. Kaso hindi kasi ako showy hindi din ako marunong maglambing. Naubos na ata lahat ng lambing ko sa ex ko.
Pero.
Basta mahal ko si Oreo at gusto ko ipaalam yun sa lahat! Sa buong mundo lang naman.
Fast forward.
HOLY WEEK.
April 2014.Eto po ay bakasyon grande. Pagkakataon na makasama si Dhie. Kaso may pasok siya kaya limited edition ang pagkikita. :'(
Sa 1 week na bakasyon ko 5th day ko na siya nakasama.
Pinakilala ko siya sa Mama ko, Lolo, lola, tito, tita at sa mga pinsan ko. Masaya at proud akong ipakilala siya sa lahat. Pero eto din ang isang bagay na pagsisisihan ko pala sa huli. Oo totoo pinagsisihan kong ginawa ko yun. Kung bakit ko pa siya pinakilala sa kanila!
June 2014.
Bumalik ako ng Zambales kasama ng barkada. Huling hirit para sa tag-init. Anawangin escapade. Akala ko makakasama ko sya sa araw na yun pero hindi. Asabels teh!! Pag-uwi galing sa Anawangin nagpahinga ako kina lola. Hinintay siya makauwi galing trabaho dahil usapan na namin na magsstay ako sa bahay nila. Nagsinungaling pa nga ako kina lola makasama lang siya taray di ba sacrifice.
Kasama ko na siya, yung saya nararamdaman ko na. Yung pagkamiss nababawasan na. Habang katabi ko siyang nakahiga tinititigan ko yung mukha niya. Mukha ng taong mahal ko ng sobra. Taong tinuturing kong buhay ko. Mukha na gusto kong makita paggising at bago matulog. Pero sa mga oras na ito bakit pakiramdam ko eto na yung huling araw na mangyayari ang bagay na to ang matitigan siya habang tulog at kayakap ko.
Hindi nga ako nagkamali lumipas ang mga araw na nagkakalabuan na kami.
Ang unang sakit ay nagtutuloy tuloy na. Hanggang kailan ko mararamdaman ito? Ang sakit ng posibilidad na isang araw maaaring iwan mo ako :'(
BINABASA MO ANG
MAGKABILANG MUNDO
Romantizm"Naranasan mo na bang magmahal ng taong hindi mo laging kasama?" "Magmahal ng taong gusto mo yakapin pero hindi mo magawa dahil malayo sya." At wala ka na lang kayang sabihin sa kanya kundi: "Mahal kita kahit malayo ka. Hihintayin ko yung araw na ma...