PAALAM

18 2 0
                                    

Hindi ko na alam ang mga sumusunod na nangyayari. Pagsuyo ko sa kanya balewala na din. Siguro nga dapat ko ng tanggapin, na salitang PAALAM akin ng muling babanggitin.

Lahat ng pagpapakumbaba ginawa ko na. Pero lahat sakanya ay balewala. Wala na akong magagawa nagmumukha nanaman kasi akong kawawa.

Gusto kong lumaban.

Gusto kong ipaglaban aming pagmamahalan.

Pero tadhana na ang nagdesisyon dapat ko na siyang bitawan.

Pagmamahal na meron ako para sakanya ay mananatili pa. Maghihintay pa din ako kahit masakit. Kahit landas namin maghihiwalay na, hihintayin ko pa din siya.

Paalam mahal ko.

Pero pansamantala lamang ito. Pangako maghihintay ako. Hanggang sa oras na muli ay mahalin mo ako.

Ikaw lang tanging mahal ko.

Ikaw lang tanging mamahalin ko.

Salamat sa iyo.

Sa pagbibigay muli ng ngiti sa aking mundo.

_
Salamat po mga bumasa. Eto na po ang ending ng storya.
Salamat po kay Rhems at Lany. Iloveyou both salamat sa pagbasa.

MAGKABILANG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon