Mali nga bang mahalin ang taong may mahal ng iba???
Mali nga bang makigulo sa pagmamahalang mayroon sila???
Yan ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko sa mga panahong ang tanging alam ko lang mahal ko siya.
Pinilit kong lumayo para hindi makagulo. Ang dating araw-araw na pag-uusap nabawasan. Hindi ko na sinasagot lahat ng message niya sa facebook. Mahirap. Sobrang hirap pero kailangan kong gawin.
Isa lang ang natakbuhan ko ng mga oras na’yon.
Si Lany.
Si Lany lang ang tanging makakaintindi. Sa kanya ko lang kasi lahat sinasabi. Alam kong mapagkakatiwalaan ko naman siya. Siya na lang natatanging pag-asa para mabawasan bigat na nadarama.
Eiram’s POV
“Bhe may problema ako. Hay yung joke ko nagkakatotoo na”. Bakit ganun anong gagawin ko???
‘yan puro kasi kayo lokohan. Eh anong plano mo?? Alam na ba niya yan.
“Hay bhe ang kapal na nga ng mukha ko. Oo sinabi ko pero syempre asa naman na mahalin niya ako eh may girlfriend nga siya di ba? Ayoko din nman sirain kung anong meron sila. Kaya iiwas na lang ako.
‘hay tama yan mars umiwas ka na lang habang maaga para hindi ka na din masaktan.
“mars grabe alam mo yung pag nag iloveyou siya sa kanya ang sakit. Feeling super selos ako. Lalo na pag nagpopost siya ng picture parang nakakaiyak. Ang o.a pero totoo eh. Minsan gusto ko na ngang iunfriend para di ko Makita yung mga post nila.
‘kaya mo yan mars ikaw pa.
“sana nga lang mars ganun kadali yun kaso hindi po kasi e.
Sobrang hirap talaga pero pinilit kong gawin. Pero ang mahirap sa lahat hindi ko pala siya kayang tiisin.
Nakalimutan ko na ata ang dapat kong gawin. Bumalik kami sa dati.
Close.
Sweet.
Araw-araw na nag-uusap.
Pero dahil alam na niyang mahal ko siya nakakailang pala na lagi kang tanungin ng mahal mo kung mahal mo siya kahit alam naman niyang hindi pwede.
Dahil sobrang nababaliw na ako nagmessage ako kay Lyn.
Si Lyn nga pala ay girlfriend ng tropa ni mahal na kaibogan din ng girlfriend niya.
“Baby may katangahan nanaman ako.
‘Ano naman yun baby???
“Basta baby tsaka ko na sasabihin sa’yo sigurado mababatukan mo talaga ko.
Nahihirapan akong sabihin kay Lyn ng deretsahan dahil kaibigan niya yung girlfriend ni mahal. Ang hirap pa naman tanggapin yung salitang tanga pag sa bibig na ng kaibigan mo nagmula.
Tumagal din yung panahon na ganito kami.
Yung sabi nga nilang “parang kami pero hindi kami”.- friendzone
Yun lang kami. Friends. Friends lang dapat.
BINABASA MO ANG
MAGKABILANG MUNDO
Romance"Naranasan mo na bang magmahal ng taong hindi mo laging kasama?" "Magmahal ng taong gusto mo yakapin pero hindi mo magawa dahil malayo sya." At wala ka na lang kayang sabihin sa kanya kundi: "Mahal kita kahit malayo ka. Hihintayin ko yung araw na ma...