BAGONG SIMULA

30 1 0
                                    

Gumising ako isang umaga na punong puno ng pag-asa.

Bagong simula sa isang magandang umaga.

Isang pagbati para sa’yo haring araw. MAGANDANG UMAGA.

Masaya akong bumati sa aking magulang ng “Magandang Umaga”.

Isang malaking pagtataka ang bumalot sa mukha nila. Si Mama “Mommy kagabi lang kung makakanta ka kulang na lang umiyak ka. Anong nangyari sa’yo.”

Isang magandang ngiti lamang ang ibinigay kong sagot.

Kain.

 Ligo.

Bihis.

Pasok.

Trabaho muna ang aking pinagtuunan ng pansin.

Isa nga pala akong BAKESHOP TEAMLEADER sa isang Commissary dito sa Quezon City.

Hardworking po ako. Oo promise totoo to. J

Sa mga panahong nagmomove-on ako. Ang Bakeshop ang naging karamay ko. Paggawa at pagbabalot ng tinapay ang naging inspirasyon ko para sa araw-araw.  Mga katrabaho ko ang naging ngiti at tawa ko.

Malaking bahagi ng pagmomove-on ko ang bakeshop, idagdag mo pa ang gwapo kong Chef na kung ngumiti eh nakakahimatay.

Lumipas ang mga araw, linggo, nasasabi ko ng masaya na ako ulit. Kaya ko na ulit siya makita na hindi ako makakaramdam pa ng kahit anong sakit.

Isang araw pinatawag ako sa opisina. Isang balita mula sa Operations Manager ko ang bumungad sa akin. Iiwan ko na ang Bakeshop. Ang bakeshop na aking naging ngiti at saya. Ang bahagi ng pagmomove-on ko na nakapagbigay ng malaking tulong para makabangon sa sakit.Ililipat ako sa restaurant ng kompanyang aking pinapasukan.

BFR.

 Ang magiging bago kong buhay.

Magiging masaya kaya ako sa mga bago kong kasama??

Makakatulong din kaya sila para sa patuloy na paglimot ko sa sakit ng nakaraan.

Ang tanong na ito ay nasagot sa pagpasok ko ng ilang araw sa resto.

Ang saya na sa bakeshop ganun din sa BFR. Iba’t-ibang mukha ng tao sa araw-araw ang aking nakikita.

Iba-ibang tao ang lagi kong nakakasalamuha. Masaya. Sobrang saya sa BFR.

Isang araw naisip ko ulit na itext siya. Aba! Nagreply siya.

Hi. Hello. Walang humpay na kamustahan.

Nagkita ulit kami. Ang dating akala kong sakit na nawala bumalik ng makita ko siyang muli.

Pero hindi dapat ako magpaapekto sayang lahat ng pinaghirapan ko.

Kailiangan ko ulit ngumiti at tumawa gaya ng dati.

Huling pagkikita na ito. Pagkatapos nito wala na.

Tama na. Titigil na lahat ng kahibangan ko.

Ipagpapatuloy ko ang saya na sinumulan kong balikan. Hindi ko na dapat pang sayangin ang pagkakataon na makalimot.

Kakalimutan ko na siya.

MAGKABILANG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon