Kaibigan.
Para sa'yo ano ang ibig sabihin ng kaibigan??
Pano mo ba masasabing ang isang tao eh pwede mong maging kaibigan??
Pano mo masasabing tunay mo siyang kaibigan??
Sa larangan ng pagkakaibigan marami din katanungan.
Sino ang mananatili sa’yong tabi sa oras na kasiyahan.
Kalungkutan.
Hirap.
At ginhawa.
Ang chapter na to ay idinededicate ko sa aking mga tunay na kaibigan.
Hello naman po sa mga batchmates ko. :) :)
Kaibigan ko.
Dating hindi magkakilala. Unang nagkita kita sa apat na sulok ng silid aralan. Nagsimulang magdaldalan hanggang naging magkaibigan.
Araw araw na kulitan. Walang humpay na tawanan at asaran. Mawawala ba ang batang pag inaasar mo e hindi ka iiyakan. Marami sa amin naranasan yan.
Anim na taon sa elementarya.
Sa anim na taon nakabuo kami ng sangkatutak na ala-ala.
Ala-ala na bibitbitin naming hanggang sa pagtanda.
Pagkatapos kaya ng anim na taon may magbabago sa kanila. Yan ang tanging tanong sa aking isipan bago kami sumampa sa entablado at tumanggap ng diploma.
Matatapos na ba sa araw na iyon ang saya na mayroon kami ng panahon na kami kami lang ang laging magkakasama.
Lilipas ang araw hindi na kami laging magkikita. Kanya kanyang eskwelahan aming papasukan.
Sino kayang makakasama ko sa susunod na paaralang aking papasukan??
Isa kaya sa kanila magiging kaklaseko pa??
Nagdaan ang dalawang buwan makalipas ang paakyat namin sa entabladong huli na naming tatapakan. Iilan na lamang sa aking kaklase noon ang makakasama ko sa bagong eskwelahang aking papasukan.
Natural ng sa mga darating na ilang araw, linggo at buwan kami kami pa din ang magkukulitan. Pero alam ko naman na darating ang araw na sa pakikisalamuha sa iba mababawasan na ang oras ng aming pagsasama-sama. Pero kahit ganun sila ay mananatili ko pa ding kaibigan magpakailanman.
3 taon ang ginugol ko sa paaralang ito.
Pagiging makulit at pasaway na estudyante ang ipinakilala kong ako. Pagiging maingay at pasaway sa loob ng klase. Laging late. Hindi ko ito ipinagmamalaki pero eto yung totoo.
Sa tatlong taong ito hindi ko naisip na iiwan ko ang paaralan na hindi ko matatapos ang apat na taon. Pero nangyari ang di ko inaasahan. Kinuha ako ni mama at sa Maynila na pinag-aral. Paalam mahal kong eskwelahan salamat sa ala-alang bibitbitin ko sa susunod kong papasukan. Madaling magpaalam sa eskwelan di ba as if naman affected siya sa pag-alis ko hahahaah :D :D
Pero eto yung part na sobra akong nahirapan.
Ang hindi makapagpaalam sa aking mga kaibigan. Sari-saring balita ang naiwan pero dahil hindi totoo akin na lamang pinabayaan. Dalawang taong walang komunikasyon kahit isa sa kanila. Hindi ako umuuwi ng walang importateng dahilan at hindi ako nagpakita sa kahit sino sa kanila.
Ikatlong taon na pala simula ng iwan ko sila eto na siguro ang pagkakataon para harapin at ngitian muli sila. Isang reunion para sa batch namin ang naganap. Nakita ko ulit ang mga kaibigan kong dati kong kasamang nag-ipon ng madaming ala-ala sa loob ng anim na taon. Salamat wala pa ding nagbago.
Masayang natapos ang araw na sila ang kasama ko. Sana maulit ito. Kasi ngayon ko na lang ulit naranasan ang saya na gaya nito.
Lumipas ang maraming araw at buwan. Taon taon ko na ulit silang nakakasama. Kahit isang araw lang ito punong puno pa din ng saya na akala mo’y araw araw pa din kaming magkakasama.
Darating ang araw magkakaroon na kami ng kanya-kanyang pamilya. Ang iba pupunta sa ibang bansa. Maghihiwa-hiwalay nanaman kami. Hayyyy
----
Eiram's POVYung taong minamahal ko ngayon ay isa kong kaibigan noon. Pero eto kami ngayon sa makailang ulit na pagkakataon. Magkahiwalay, magkalayo.
Oo isa ko lang siyang simpleng kaibigan noon. Kasama sa tawanan at kulitan.
Kadaldalan, kaasaran.
Pero ngayon isa na siyang taong nagmamay-ari ng isang bahagi sa aking puso na hindi na maaari pang palitan ng kahit sino.
--------
Hello to all my batchmates. Ehem sana isa sa inyo mabasa to.Hi to lany, mhay, veena, riel, Jason and Andrew. Imissyou guys so much. See you soon :)
BINABASA MO ANG
MAGKABILANG MUNDO
Romantik"Naranasan mo na bang magmahal ng taong hindi mo laging kasama?" "Magmahal ng taong gusto mo yakapin pero hindi mo magawa dahil malayo sya." At wala ka na lang kayang sabihin sa kanya kundi: "Mahal kita kahit malayo ka. Hihintayin ko yung araw na ma...