HULING LUHANG PAPATAK

44 1 1
                                    

NOVEMBER

Isang mahabang bakasyon muli. Uuwi ako sa probinsya para muling makasama ang aking pamilya.

Magbigay oras para sa kaibigan at mga pinsan.

Bago pa ko umuwi nag-usap na kami ng mga kaibigan ko na magkikita kami at sila ang makakasama ko para manood ng mga nakakatakot na palabas sa iba't-ibang brgy. Aba! Dapat matuloy ito miss na miss ko na kaya sila. Lalo na may pretty cousin Mhaynell at ang aking Mareng Mhelany nuh! Dagdag mo pa yung dalawang lalaking makulit my babe Andrew & shujin Jason. Ayy grabe miss na miss na talaga sobra!

Pero biglang nagbago ang ikot ng mundo napadpad ako sa mga pinsan ko. Mula umaga hanggang gabi sila ang kasama ko. Inuman at gala lang ang tema. Sa kasamaang palad sa Brgy. Candelaria kami pumunta. Doon kasi nakatira sila Jv. Ang malas ko lang naman te! Sa di inaasahang pagkakataon pagpunta namin sa tindahan nakita siya ni Bong pinsan ko na pinakaclose ko. Naging nakakatandang lalaking kapatid ko. Tinawag niya si Oreo. Muli nanaman niyang pinakilala sa'kin ito. Take note gusto shake hands pa! Aba matinde!

Nakakainis!!

Alam na nga ni kuya na ayaw ko siyang makita para pa siyang nananadya.

Edi anong nangyari nasasaktan nanaman ako!

Pagbalik sa bahay napag-usapan namin siya. Ang tanong nanaman ng sambayanan.

Ano bang nangyari sa inyo????

Bakit kayo naghiwalay????

Wala nanaman akong maisagot kasi hindi ko alam ang totoong dahilan. Nasabi ko na lang "hindi ko din alam eh. Bigla na lang siyang nawala na parang bula! Walang paramdam tapos nung tinanong ko siya ang sagot niya OK NA KO SA GANITO SORRY SA LAHAT NG NAGAWA KO SA"YO INGAT KA NA LANG LAGI."

Tama ba yung ginawa niya?

Mali di ba?!!!!!!!!!

Ang pagmukhaing tanga ang taong naghihintay at mahal na mahal siya!

Alam ko lahat ng pagkakamaling ginawa ko.

Tanggap ko lahat ng bagay na pwedeng isumbat.

Pero ang pagmukhaing tanga yun ang mahirap. Naaalala ko ang sakit. Pumatak ang luha mula sa aking mata. Si kuya walang nagawa kundi saluhin lahat ng luhang pumapatak mula sa aking mga mata.

Awa ang naramdaman niya. Lahat ng salitang pwedeng maibigay ng isang kapatid nasabi niya.

Ng marinig ko lahat ng iyon tangi kong naisip.

ETO NA ANG HULING LUHA PAPATAK SA AKING MGA MATA PARA SA KANYA.

Lilipas ang mga araw na mawawala siya sa isip ko. Babalik ako ng Manila na wala ng bitbit na kahit anong ala-ala niya. Magiging masaya ako gaya ng dati. Makakalimot na parang walang nangyari.

At sa araw ng pagbabalik ko sa lugar na ito.

Kaya ko na ulit siyang tignan sa mata na walang mararamdamang sakit. Isa na lang siyang pangkaraniwang taong masasalubong ko sa daan na animo'y taong hindi ko nakilala at nakita kahit minsan.

Magbabago ang lahat. Ang dating babaeng naging tanga sa paningin niya/nila magbabago na.

Makikita nila ang ngiting kahit minsan hindi nila nakita.

Alam kong darating ang araw makikita ko ang taong papalit sa kanya.

Taong magbibigay ulit sa akin ng matinding saya. At pag dumating yung araw na yun isa lang ang masasabi ko siya na ang huling mamahalin ko.

MAMAHALIN KO NG SOBRA!

MAGKABILANG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon