This is a work of fiction. Names, Universities, characters, businesses, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to any real character, living or dead, events, other books are purely coincidental.
MY CHARACTERS AREN'T REAL AND YOU WILL NEVER FIND SOMEONE LIKE THEM BECAUSE THEY ARE FICTIONAL. Thank you!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Atlas, dalian mo! Nag-aantay na sila Amah!"
Nang marinig ko ang boses ni Mommy, agad akong nagmadaling magbihis, medyo late na kasi ako nagising. Anong oras na rin kasi ako nakauwi galing sa lipad kahapon, onting flying hours na lang kasi bago 'ko makuha ang aking CPL, Commercial Pilot License. Pagkatapos kong magbihis, tumakbo na 'ko agad pababa. Hindi ko nga lang alam kung tama 'tong nasuot ko, bahala na. May gathering lang naman kela Amma, since it's her birthday.
"Good morning, ma." I gave Mommy a kiss on her cheek and a hug, para naman hindi ako pagalitan. Love naman ako nito kaya alam kong hindi ako papagalitan nito. Maiinis lang siya, pero di niya kaya magtanim ng galit sakin.
"Teka, ano ba 'yan Atlas?" Napatingin siya sa suot ko.
I was wearing a Lacoste red polo shirt tucked-in a beige pants with a designer's belt partenered with my dark brown LV cap toe shoes. Suot suot ko rin ang mamahaling relo na binili ni Mommy at Daddy sakin nung kailan lang. Just to look fresh and presentable nga naman, magkikita kita na naman kami ng mga pinsan ko mamaya e.
"Why, ma? Hindi ba maayos? Wait, pogi naman ako ah?" I looked at Mom curiously.
"It's Amah's birthday!" Mom answered me, pinalo pa nga 'ko sa may braso. "You shouldn't wear red today, hindi mo naman birthday ngayon! Magpalit ka don!" Sabi niya habang tinutulak ako paakyat ulit. Aalis na nga lang, napagalitan pa nga.
Tumakbo na lang ako ulit at nagpalit ng polo. I chose to wear dark blue polo na lang, 'yon lang ang magandang suotin ngayon e. Ewan ko ba. Paniguradong pag nagsuot ako ng light colors, maiiba na naman kulay ko sa mga suot ng pinsan ko. Hindi dapat ganon!
"Okay na, ma! Let's go!" I clang my arms on her arm.
Ako na ang nagdrive, para naman makapagpahinga si Dad sa biyahe. Nung una ayaw pa niya, dahil Benz ang dala naming sasakyan ngayon. Pero, napilit ko siya. Sabi ko, eroplano nga napapalipad ko, imposibleng di ko mamaneho 'tong Benz niya. Wala naman na siyang nagawa e.
Hindi rin nagtagal, nakarating na kami. Sobrang lapit lang kasi ng bahay nila Amma at Angkong dito. Kung tutuusin, pwede nang lakarin e. Tamad lang siguro 'tong magulang ko. Ayaw nilang mainitan.
"Yuze!" Tawag ko sa isang pinsan kong nakatambay sa may garden ni Amma, nakaupo don at mukhang ayaw makisama sa luob. Hinayaan ko munang pumasok si Mom at Dad para samahan muna siya duon.
BINABASA MO ANG
Along Taft Avenue
RomanceJIRAANAN SERIES #1 The Jiraanan family believed that no one could have the courage to break the Family's culture. Not until Atlas fell in-love. "Wealth can never beat Love." Welcome to Jiraanan Family. ☆ daotantawan, 2021.