"Okay ka lang?"
Tanong ni Kat sakin habang ako'y umiiyak. Isang araw pa lang nakakalipas, grabe na pagmumugto ng mga mata ko. Ganon ko kasi kamahal at kailangan ang trabaho ko. Binisita lang ako ni Kat ngayon dahil sinabihan ko siya ng kailangan ko ng makakausap, lalo na't hindi ko pa nasasabi kela Mama.
"Sa tingin mo ba okay ako?" Tanong ko at humagulgol na naman ako. "Iniiyakan ko 'yong trabaho ko. Si Atlas, okay lang." Dagdag ko naman.
"Mahal mo ba?" Tanong naman niya pabalik.
"Kung 'yong trabaho ko, oo. Kung si Atlas, gusto ko lang siya. Hindi ko pa siya mahal." Sagot ko naman sa kaniya. "Magkaiba ang gusto sa mahal, Kat." Buntong-hininga ko. "Malapit na e, malapit ko nang mahalin. Natatakot lang ako sa sasabihin ng mga tao lalo na ng pamilya niya. Ganito lang ako oh." Sabi ko pa at pinunasan ko ang luha ko.
"Bakit ka natatakot? Dahil mayaman sila at tayo, ganito lang? Iv, ang pagmamahal wala 'yan sa estado ng buhay." Sagot niya naman sa akin.
"Eh bakit parang bawal?" Tanong ko.
"Siguro dahil hindi mo pa sinusubukan kaya nasasabi mo 'yan. Kung may sabihin man, edi sabihin. Tsaka kayo mag-usap. Pero kung wala naman at walang hadlang, edi mas okay 'yon. Subukan mo kasi muna, Iv." Paliwanag niya sa akin. "Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan, alam kong pati si Sir Atlas." Sabi niya at hinaplos pa ang buhok ko.
"Ang hirap makapag-isip pag ganito, Kat." Sabi ko naman sa kaniya.
Buong araw nandito si Kat, sinamahan niya lang ako dahil day-off niya rin. Kaya naman nung pagkatapos naming kumain ng hapunan atsaka lang siya umalis. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasasabi sa mga magulang ko, nakakatuwa rin dahil hindi nila gaano napapansin. Akala lang nila, maaga ako nauwi o ano. Wala akong lakas ng luob sabihin sa kanila e, dalawang linggo lang naman.
Lumipas ang isang linggo na puro ganoon lang ang nangyayari. Walang nangyari espesyal dahil puro ako iyak tapos bangon lang ang ginagawa ko. Humanap din ako ng mga bagong pwedeng gawin para hindi ako maburyo rito sa bahay, para akong batang nagsusummer sa totoo lang. Ngayong umaga, ihahatid ko si Ivan sa school niya dahil maagang pumasok si Mama at Papa. Si Iva at Iverson naman ay pumasok na rin sa skwelahan.
"Tara na?" Tanong ko kay Ivan. Tumango lang siya at naglakad na kami papuntang sasakyan. Sinuotan ko siya ng seatbelt at ganon din naman ako atsaka kami umalis na dalawa.
Ipinarada ko lang ang sasakyan ko sa laging pinaparadahan ko rito sa open-space sa may school niya. Bumaba na kaming dalawa at ihinatid ko na siya sa luob, hanggang sa classroom niya. Pagkalabas ko, sumakay naman na agad ako sa sasakyan ko. Nagtagal muna ako rito ng ilang minuto dahil hindi ko na naman alam kung saan ako pupunta habang inaantay ko si Ivan.
Nagulat ako nang may kumatok sa bintana ko, pagkatingin ko si Atlas. Grabe na naman ang tibok ng puso ko, iniiwasan ko na nga siya e. Hindi ko alam kung bakit Along Taft Avenue, nakikita niya 'ko lagi. Parang nasa sulok lang siya lagi.
"Usap tayo." He mouthed.
Binuksan ko ang bintana ko. "Wala naman tayong dapat pag-usapan." Sagot ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Along Taft Avenue
RomanceJIRAANAN SERIES #1 The Jiraanan family believed that no one could have the courage to break the Family's culture. Not until Atlas fell in-love. "Wealth can never beat Love." Welcome to Jiraanan Family. ☆ daotantawan, 2021.