"Happy Anniversary, Mom, Dad!"
I kissed them on their cheek and gave them a hug before I sat down on my chair. We're about to eat breakfast na. It's already 5 am, 6 am kami magkikita kita sa may airport para sa flight namin papuntang Balesin. Buti, nakatulog ako nang maaga kahapon at maaga ako nagising ngayon. Isa pa, hindi ako kulang sa tulog.
"Thanks, anak." Mom smiled at me. Kumuha na agad ako ng pagkain ko at nagsimulang kumain, anong oras na rin kasi.
"Thank you, nak." Dad said. "Gusto mo bang maging Co-Pilot ko para sa flight natin ngayon papuntang Balesin?" Dad looked at me seriously. Halos mabulunan ako nang marinig ko 'yong sinabi niya.
"It's okay, Dad. If... if you have trust on me." I laughed a bit, napatigil din ako nang biglang sumeryoso lalo ang mukha niya. Wala ata siyang panahon makipagbiruan ngayong araw. Lol. "I'm serious, Dad!" Natatawa kong sabi.
"Seryoso rin ako. Walang akong oras makipaglokohan lalo na ngayon. Atlas, wag kang magloko loko lalo na kapag lilipad, act professional. Marami kang buhay na hawak." Dad shooked his head, nadisappoint ata.
"Okay, Sorry, Dad." Sabi ko, pero nagpipigil pa rin ako ng tawa ano ba. Hindi uso magseryoso sakin, nakakainis namang life 'to! "I can be your Co-Pilot. If you want, oh binago ko na statement huh!" I chuckled a bit. Parang wala naman akong choice e.
"Okay, good." He nodded.
After eating our breakfast, agad ko rin namang sinakay lahat ng gamit namin. Especially 'yong kela Mom and Dad, sila medyo mabigat ang gamit e. Kala mo naman ay duon na titira. Pero sige, pagbigyan, it's their anniversary naman e. Lol.
When we arrived at the mini airport, Dad and I left Mom there, waiting. We went to the plane to check if kaya ko ba, kung kaya ng powers ko. It's just a 20 minute flight with a ATR72-500 airplane, and I know my Dad can handle it well. Co-Pilot lang niya 'ko.
"Hey, Atlas. Change your clothes." Dad threw a Pilot uniform. "Change your clothes, hindi pwedeng lumipad nang nakaganiyan. Tell Mom na magpapalit ka muna. I'll change mine too." Dagdag niya.
Sayang naman outfit ko! I was wearing a bohemian dress shirt pa naman partnered with a beige shorts and birkenstock. Pero, mas maganda kapag naka-Pilot uniform!
"Alright, Dad." I said while hugging the uniform. When I looked at it, it was his old Pilot Uniform. Nakakaproud naman ang Daddy ko, sobrang tagal na niyang nagpapalipad, ang dami niya na ring napuntahan at naachieve.
Hays, sana all na lang. Sa edad kong 'to, parang ang bagal ng process ko. Hindi ko rin naman masisisi sarili ko. I took up a different course before I took Aviation. Medyo mali ako don, napressure lang kasi ako. Lalo na kela Kuya. Kuya Jacques and Jaxon, business in-line sila. That's why I took up business first before taking up Aviation. Parang nasayangan ako sa oras bigla, but I realized that we have our own timelines.
"Mom, where's my bag?" I asked while looking around her.
BINABASA MO ANG
Along Taft Avenue
RomanceJIRAANAN SERIES #1 The Jiraanan family believed that no one could have the courage to break the Family's culture. Not until Atlas fell in-love. "Wealth can never beat Love." Welcome to Jiraanan Family. ☆ daotantawan, 2021.