章 1

666 13 2
                                    


章 = Chapter


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


"Bye, Mom, Dad! I'm going na!" I stood up and went on my Mom's side to give her a hug and kiss on her cheek. I just hugged Dad tho.


When I got out, sumakay na agad ako ng kotse, onting minuto na lang male-late na 'ko. Importanteng araw pa naman ngayon dahil ngayon ang schedule ko for CPL applying. Pag ako, hindi umabot, lagot ako kay Dad. 


When I got into the place, agad din naman akong bumaba ng sasakyan ko at hinanap ko si Miguel. Nasa pila na kasi siya at sisingit na lang ako. Napasarap kasi tulog ko kagabi, anong oras na naman tuloy ako nagising.


"Late ka na naman!" He pat my head with a card number. Kinuha ko naman 'yon agad.


"Thank you, bro." Sagot ko sa kaniya. "Lagi na lang napapasarap 'yong tulog ko, jusko." Dagdag ko habang nag-aayos ng kwelyo ng polo.


"Uy, tangina. Bago kotse mo?" Tanong niya sakin, nakasingkit pa ang mata habang nakatingin sa kotse ko.


Tiningnan ko naman siya at hindi muna sumagot, titingnan ko kung ano gagawin niya e. Hindi ako nagkamali, binatukan nga 'ko. "Nagtatanong ako, sagot mo sakin, titig? Tanga amp." He shooked his head.


"Kay Dad 'yan." I chuckled. "He wants to use my Porsche, edi okay. Pero, oo. Bago 'yan. Bago ng Benz." I waved my eyebrows.


"Ang yaman ng pamilya niyo talaga no? Ampunin niyo na nga 'ko." Miguel laughed. "Kung tutuusin, mas mayaman ka pa kela Claude e." Dagdag niya.


"Ay, hindi ko nakamusta 'yon. Pasado na kaya siya sa CPL? Gagi, miss ko na siya." I pouted. "Punta tayo Florida." I chuckled.


"Ayan, palibhasa ang daming pera!" Binatukan na naman niya 'ko.


"Pag ako natanggalan ng ulo ah." I glared at him.


"Aling ulo?" He looked down and looked at me again.


"Bastos. Bawal ka maging Piloto!" Pabiro kong sabi sa kaniya.


After having our written and practical exam, nagpahinga muna kami dito sa may luob ng building. Tabi lang 'to ng airline, kaya ang dami naming nakikitang Piloto at Flight Attendants. Nakakatuwa lang, gusto ko na ring magpalipad ng eroplano. I want to travel the world! 


"Tara?" Tanong ni Miguel habang nakatingin sa relo niya.


"Ano oras na ba?" Tanong ko.


"Mag 3 na. Hindi ka pa ba gutom?" Kumunot ang noo niya habang nakatingin sakin.


"Gutom na rin. Tara." Sabi ko at tumayo.


Along Taft AvenueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon