章 8

310 14 1
                                    


"Huh? Nandito ka ba para mang-inis o para mag-stay dito sa Hotel?"


Tanong ko sa kaniya, kapag andito talaga 'to sa paligid ko laging umiinit ang dugo ko. Ewan ko ba, parang hindi ko kailangan ng mang-iinis sakin dahil okay na 'ko sa pang-iinis ng mundo sakin. Ayaw ko nang dagdagan pa, lalo na kapag mga mukhang ganiyan pa.


"Lunch tayo." Sabi niya agad, walang pag-aalangan. Kumunot naman ang noo ko ulit nang marinig ko 'yon. Tuwing kasama ko 'to pakiramdam ko wrinkles sa noo lang abot ko e.


"Kumain na 'ko." Pagsisinungaling ko, para lang hindi niya 'ko maaya.


"Edi aantayin kita hanggang matapos shift mo." Sagot niya naman sakin. Mukhang magugutom ako hanggang mamaya ha, pero kaya ko naman 'yon basta hindi lang siya makasama.


"Bahala ka nga sa buhay mo." Sagot ko sa kaniya. "Umalis ka na kung hindi ka naman magpapaassist, may mga guests pa na parating. Umalis ka na." Sabi ko sa kaniya.


"Okay, duon lang ako ha." Sabi niya sabay tinuro ang couch duon. Pwede naman siyang umakyat sa third (3rd) floor, total 'yong floor na 'yon, nandon ang exclusive rooms para sa pamilya nila. Bahala na nga 'yan, nakakastress lang makipag-talo diyan dahil hindi naman ako nananalo sa kaniya.


Nang matapos ang lunch time, bumalik na si Kat. "Bakit hindi ka sumunod?" Tanong nito habang nag-aayos ng kwelyo ng uniform. "Hindi ka kumain ah?" Dagdag niya pa. Tumingin ako kay Atlas, nandon pa rin siya nagcecellphone. Parang hindi nabobored huh.


"Ah, w-wala." Sagot ko, pero nagugutom na talaga ako. Strict pa naman ang Hotel pagdating sa oras. Kapag tapos na ang oras ng lunch time, bawal na kumain ulit. Inom lang ang pwede, minsan natye-tyempuhan, pero sobrang bihira lang talaga.


Nang lumipas ang oras, halos mahilo-hilo na 'ko kakatiis ng gutom ko. Bwisit na Atlas kasi 'to, ang dami naming pwedeng magulo, ako pa 'yong napili. Nang saktong 6 pm na, pumasok na 'ko ng room naming at nag-ayos na 'ko ng gamit. Nagmadali akong lumabas para makasakay ng kotse ko at makatakas kay Atlas.


"Bwisit." Bulong ko sa sarili ko nang makita siyang nakasandal sa sasakyan niya na nakapark sa tabi ng sasakyan ko. Nakakahiya naman, walang wala 'yong sasakyan ko sa sasakyan niya.


"Let's go?" Sabi niya habang nakahalukipkip. Hindi ko madedeny na hindi siya gwapo, dahil sa buong pamilya nila, walang tapon. Grabe naman talaga. Lord has his favorites, joke lang.


"Let's go mo mukha mo, uuwi na 'ko." Sabi ko sa kaniya.


"Sige, kung saan ka magdrive papunta, duon ako." Kumindat siya sakin atsaka sumakay ng sasakyan niya. Halos isang minute akong tumayo duon, iniisip ko kung bakit niya ginagawa 'to. Parang tanga lang, pero siguro kapag nakuha niya na 'yong Lisensya niya, hindi na niya 'ko guguluhin. Please.


Sumakay na 'ko sa sasakyan ko atsaka ako nagdrive, hindi ko alam kung saan pupunta lalo na't ayaw kong magsayang ng gas, dahil kada-buwan na lang ata tumataas ang presyo nito. Nagdrive na 'ko papunta sa pinakamalapit na Mcdo rito, wala akong pake, siya naman gustong sumama e. Bawal niya 'kong artehan, baka masampal ko pa siya. Pagkatapos ko magpark, bumaba na rin ako agad. Sumunod din naman siya.

Along Taft AvenueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon