章 20

249 12 0
                                    


"Just go home, ayaw kong madamay ka pa sa kung ano man ang mangyayari rito." 


Sabi ko kay Atlas bago ako bumaba nang sasakyan niya at 'yon nga ang ginawa niya. Pagkapasok ko ng Hospital, si Iverson agad ang sumalubong sakin at nagmadali na kaming pumunta sa Emergency Room. Siya pa lang ang nandito at sabi niya hindi raw muna niya papapuntahin sila Mama hangga't hindi pa nalilipat sa kwarto si Papa.


"Pa..." Sabi ko at hinawakan ko ang kamay ni Papa. 


"Hinahanap ka ni Mama, ate. Hindi ko alam kung anong gagawin niya, pero ikaw sinisisi niya kaya raw nangyari 'to." Sabi bigla ni Iverson.


Napatayo ako at humarap ako sa kaniya. "Ako? Bakit ako? Wala nga 'ko sa bahay e." Sagot ko, nagtataka.


"Ayon nga. Dahil duon." Sagot naman ni Iverson sa akin.


Nang maging stable ang kalagayan ni Papa, inilipat na nga siya sa private room dahil 'yon na lang ang available sa ngayon. Ilang oras na ang nakalipas, hindi pa rin gumigising ang Papa. Hindi rin nagtagal, dumating na ang nanay ko. Nagulat ako nang bigla niya 'kong sugurin at sampalin. Si Iverson, hinila niya si Mama palayo sa akin.


"Ayan! Dahil sa kagagawan mo, nagka-ganiyan 'yang tatay mo!" Sabi ni Mama habang tinuturo pa ako. "Alam mo namang ikaw ang paborito niyang tatay mo tas bigla kang mawawala nang hindi ka nagsasabi? Grabe ang pag-aalala ng tatay mo, Iv! Ano bang nangyayari sayo?!" Sigaw ni Mama. Napatungo na lang ako, duon tuloy tuloy ang daloy ng luha ko.


"Ma.." Boses ni Iverson. "Hayaan mo magpaliwanag si Ate." Dagdag pa niya.


"Oh sige! Ano kailangan naming malaman?!" Boses ni Mama. "Dahil 'to sa anak ni Captain Sanchez no?" Tanong niya bigla. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at tumango. Napapikit ako nang sampalin niya 'ko ulit. "Nang dahil sa kalandian mo, Iv! Tingnan mo kalagayan ng tatay mo ngayon!" Sigaw niya ulit habang tinuturo pa rin ako.


"Ma, masama bang magmahal?" Tanong ko. "Masama bang maging masaya? Halos buong buhay ko, nasa inyo lang ako lagi. Lahat ng maibibigay ko, binibigay ko. Ito lang 'yong gusto ko, hindi niyo pa mabigay?" Pag-iyak ko.


"Iv, wag kang tanga! Pwede kang magmahal nang hindi umaalis! Nang hindi nagsasabi! Lahat ng tao sa bahay nag-aalala sayo!" Sagot ni Mama sa akin.


"Ang daming hadlang sa mundo, ma. Ang dami." Iling ko habang pinupunasan ko ang luha ko. "Sana maintindihan niyo 'ko kahit ngayon lang." Hagulgol ko.


"Alam mo bang... 'yang tatay mo, pagod galing trabaho, anong oras na siyang nakauwi at bungad niya pagkapasok ng bahay 'nasan si Ivory?', ikaw ang unang hinahanap niya lagi tuwing makakarating siya sa bahay galing trabaho. Hanggang madaling-araw nagkakape 'yan, hindi natutulog, kakaantay sayo. Buong magdamag 'yang nag-antay, nung hapon, tumaas bp niya at inatake." Kwento ni Mama.


Nang marinig ko 'yon para akong pinagbagsakan ng langit at lupa, ayaw huminto ng luha ko kakatulo. Dapat man lang nagsabi ako, kahit sa text lang. Edi sana walang nangyaring ganito ngayon, wala namang may gusto nito. Siguro nga, hindi talaga kami ni Atlas para sa isa't isa.

Along Taft AvenueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon