章 10

281 13 0
                                    


"Sana all may lunch box." 


Napatingin ako kay Tom nang mapansin niya ang nilabas kong lunch box ngayon. Ang weird dahil lahat sila nakaplato ng Hotel tapos ako nakalunch box, kitang kita talaga at mapapansin. Parang gusto ko na lang ibalik 'tong lunch box e, parang gusto ko na lang bumili.


"Wow, hoy, ang sarap! Itsura pa lang, masarap at pang mayaman na!" Sabi ni Kat habang nakatingin sa pagkain ko. Totoo naman 'yon, pati amoy, pang mayaman na. Halatang hindi talaga sa bahay namin galing 'to.


"Parang bata ah. Knowing Ivory, hindi siya magdadala ng ganiyan dito. First time nangyari 'yan oh!" Sabi naman ni Moo. Tama siya, hindi ako magdadala dahil hassle lalo na sa umaga. 


"Alam niyo, kumain na lang tayo." Sabi ko sa kanila.


"Oy! Piloto mo lungs!" Sabi ni Kat, nang humarap ako sa kaniya hawak-hawak niya na ang letter na bigay ni Atlas. Agad ko namang hinablot sa kamay niya 'yon at tinago. "Sinasabi na nga ba e! Tsk. tsk. tsk!" Dagdag niya habang umiiling.


"May piloto kang jowa? Gago, palibre tayo ng Trip to Boracay!" Sabi ni Tom.


"Ewan ko sa inyo." I shook my head and started eating. Hinayaan ko na lang silang mag-usap usap tungkol sa akin, ewan ko ba dito. Normal lang ba sa magkakaibigan 'yan? Normal lang naman no. Boring naman kung hindi. "Alam niyo, sasabihin ko naman sa inyo kung may boyfriend ako. Wag niyo 'kong pangunahan." Mahinhin kong sabi.


"Eh, gusto namin magkaboyfriend ka na e!" Sabi naman ni Kat, may kasamang pagtulak pa. 


Pagkatapos naming maglunch, dinala ko muna ang tote bag na 'yon sa may luob ng headquarters namin, specifically sa gamit ko. Kinuha ko ang phone ko para magchat ng pasasalamat kay Atlas dahil sa pinadala niya ngayon.


Ivory Jane Castillo: Salamat, Captain. Hindi mo na to dapat ulitin.


Atlas Sanchez: just got my license, ma'am. eh, balakajan!


Ivory Jane Castillo: hahahaha lol, congrats ulit.


Atlas Sanchez: thank you. anyways, free ka later?


Ivory Jane Castillo: bakit na naman? >:I


Atlas Sanchez: bakit pa ba ko nagtanong, puntahan na lang kita diyan.


Napailing na lang ako pagkabasa ko non, itinago ko naman ang phone ko agad at bumalik na sa trabaho. Kahit kailan, hindi ko naman 'yan napipigilan. Pag gusto niya, gusto niya. Minsan nakakairita, pero nakakatuwa rin naman minsan dahil kung iisipin, may mga ganong lalaki pa pala sa mundo. Akala ko kasi, puro gago na lang e.


Nang matapos ang working hours, bumalik na agad kami sa headquarters namin para kunin ang mga gamit namin. Pagkalabas ko, tama nga ang hinala ko. Andiyan na agad si Atlas, nakapark ang sasakyan niya sa sasakyan ko. As usual. Lumapit siya sa akin at kinuha ang mga bitbit kong bag, nagulat naman ako duon.

Along Taft AvenueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon