章 12

242 11 0
                                    


"Pansin ko lang, kahapon wala kang lunch box. Ngayon, wala rin?"


Sabi 'yon ni Kat habang nakatingin sa akin. Tumingin din naman agad si Tom at Moo sa akin, para akong may nagawang kasalanan e. Hinayaan ko na lang 'yon at nagpatuloy ako sa kinakain ko. Kahapon, hindi na 'ko nag-expect na may magpapadala ng lunch box dahil una sa lahat, wala naman talaga 'yon, trip niya lang. At isa pa, hindi naman talaga dapat 'yon.


"Where's Ivory?"


Halos mabilaukan ako nang marinig ko ang boses ni Sir Jaxon.


"Yes, sir?" Tanong ko, at pinunasan ko muna ang bibig ko.


"Look." Sabi niya at nilabas ang phone. Nagulat ako nang kuhaan niya 'ko ng litrato. "Thanks. Enjoy your lunch well, guys." Dagdag niya at umalis.


"Ano 'yon?!" Tanong ni Kat, ang lakas lakas pa ng boses.


"Hindi ko rin alam." Sabi ko naman. "Alam kong crush mo si Sir, may girlfriend siya kaya malabong magkagusto siya sa akin."  Dagdag ko.


"Ano?!" Sigaw ni Kat. "Ay." Napatakip naman agad siya sa bibig niya nang marealize niyang ang lakas lakas ng boses niya.


"Huminahon ka naman, ang ingay mo." Simpleng sabi ko naman.


"Nakakalungkot naman, taken na pala siya." Sabi ko naman.


"Ayaw ko na, magreresign na 'ko!" Pagbibiro niya. "Minahal ko pa naman siya simula nung nagtrabaho ako dito!" Dagdag pa niya.


"Ikaw naman talaga!" Natawa ako nang bahagya. "Libre mo 'ko, kain tayo mamaya." Sabi ko at hinaplos ang likod niya.


"Sige, san mo gusto?" Tanong niya sa akin.


"Diyan lang sa Taft." Sagot ko sa kaniya.


"Along Taft Avenue lang?" Tanong naman ni Kat.


"Uhm." I nodded.


"Sama kami!" Sabi naman ni Tom.


"Sige na nga, sawi naman ako e!" Tumawa si Kat.


Nang matapos ang lunch time, bumalik na rin agad kami sa trabaho. Hindi mawala sa isipan ko kung bakit 'yon ginawa ni Sir Jaxon, ayaw ko na lang din isipin. Kaya bahala na kung ano man 'yon, hindi nama 'yon gagawa ng ikakasira ng image niya e.


"Tuloy ka nga mamaya?" Pangungulit ni Kat.


"Oo nga." Sagot ko naman.


"Nakakapanibago kasi parang ngayon lang e." Sabi niya sa akin. "Sawi ka no?" Siningkitan pa niya 'ko ng mata.

Along Taft AvenueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon