"Are you sure about your resignation?"
Tanong ulit ni Sir Jaxon habang binabasa maigi ang folder na binigay ko sa kaniya. Isang linggo na ang lumipas simula nung aksidente, isang linggo na rin kaming hindi nagkakausap ni Atlas. Basta bukas, dapat tumupad ako sa usapan na magkikita kami sa airport. Ayos na 'ko na wala kaming usap nang ilang araw basta magkikita kami bukas sa aiport.
"Yes, sir." Tumango ako. "Thank you, sir. Sa lahat lahat." Dagdag ko.
"No problem." Simpleng sabi niya habang pinipirmahan ang papel ko. "Sayang, you were an outstanding worker ever since. Napabilib mo 'ko, but I need to respect your decision and maybe, this may lead you to a better life." Inabot na sakin ni Sir Jaxon ang papel ko.
"Salamat, sir. Mauuna na ho ako." Sabi ko.
"Iv, take care of Ac. Love him, he loves you very much." Tumango naman 'to. "Samahan mo naman siya sa laban." Dagdag niya.
Napatango na lang din ako sa sinabi niya, parang may alam siya e. What do I need to expect? Magpinsan sila, normal lang na mag-usap sila tungkol sa buhay buhay. Alam ko namang kahit saktan ko si Atlas, hindi pa rin niya 'ko kayang siraan sa iba. Nang matapos ako sa opisina ni Sir Jaxon, dumeretso naman ako sa headquarter namin. Sakto dahil lunch break na namin ngayon, pagkapasok ko nagulat 'yong tatlo nang makita ako rito.
"Pumasok ka pa, late ka na! Isa pa, paano ka nakapasok? Hindi ka nakauniform!" Sabi ni Kat, nakaturo pa sa suot ko.
"Kat, Moo, Tom, may sasabihin ako sa inyo." Ngumiti ako nang bahagya. "Salamat sa inyo!" Sabi ko at itinaas ko ang folder na hawak ko, 'to ang resignation na napirmahan na ni Sir Jaxon. "Kung wala kayo, hindi ko alam paano ko malalagpasan 'yong halos isang taon ko rito sa kompanya ng mga Jiraanan." Pigil na pigil na 'ko sa pagtulo ng luha ko.
"Huh? Ano bang sinasabi mo?" Tumayo si Kat at inagaw sa akin ang folder na hawak ko. Tumalikod siya sa akin at binuksan ang folder na 'yon. Humarap siya sa akin at basang basa na ang mata niya dahil sa mga luha niya. "Iv.... Ano 'to?" Nanginginig niyang sabi.
"Nagresign na 'ko." Ngumiti ako at tumango. "Sa tingin ko, ito na ang magandang paraan para magsimula ulit." Dagdag ko.
"Hindi pwede! Hindi kumpleto kapag wala ka!" Sabi naman ni Moo at tumayo. Hinila niya si Kat at grinoup hug nila ako. Si Tom, walang nasabi. Tumayo na lang din at yumakap sa aming tatlo. Duon na bumuhos ang luha ko, sa ginawa nila. "Iv, bakit naman ganito? Ang corny na tuloy." Sabi ni Moo habang nagpupunas ng luha.
"Pwede pa rin naman tayo magkita kita pagtapos ng workhours niyo! Promise, bibisita ako minsan. Maghahanap muna ako ng trabaho ha." Mahina kong sabi sa kanila. Sumasakit na lalamunan ko kakapigil ng luha ko.
"Ang daya naman, Iv." Sabi ni Tom, nagtampo pa nga.
"Alagaan niyo sarili niyo ha." Sabi ko, para naman akong nanay na aalis ng bansa. "Ikaw, matuto ka nang mabuhay na wala ako. Nuon, nakayanan mo, kayanin mo ulit. Sanayin mo na wala na 'ko rito ha?" Sabi ko kay Kat habang nakapatong ang kamay ko sa ulo niya. "Kayong dalawa, alagaan niyo 'tong bff natin. Lagi niyong isama kapag may lakad kayo, lalo na pagkakain ng lunch." Sabi ko naman kay Moo at Tom habang hawak hawak ang kamay nila.
BINABASA MO ANG
Along Taft Avenue
RomanceJIRAANAN SERIES #1 The Jiraanan family believed that no one could have the courage to break the Family's culture. Not until Atlas fell in-love. "Wealth can never beat Love." Welcome to Jiraanan Family. ☆ daotantawan, 2021.