"Ako 'yong problema rito, Atlas."
Sabi ko habang pilit tinataas ang mukha niya para mas makita niya 'ko, pagkaangat ko, may luha na siya duon. Umiiyak na siya, pati ako nasaktan. Isang pikit ko lang tutulo na rin 'tong luha ko, ayaw kong nakikita siyang umiiyak dahil sanay akong masaya lang siya at hindi niya naman deserve 'yong ganitong pain. Isipin mo, lagi siyang nakangiti, tumatawa, nang-aasar, maligalig, at source of happiness nang karamihan nang tao tapos bigla siyang iiyak sa harapan ko nang dahil lang din sa akin.
"Hindi. Hindi ikaw ang problema." Sabi niya at hinawakan ang dalawa kong kamay na nakahawak sa magkabilang pisngi niya. "Umalis na tayo rito para matuloy na natin kung ano man ang gusto nating ituloy." Dagdag niya naman sa akin.
"Atlas, hindi pwede." Sagot ko nang mahinahon sa kaniya. "Kailangan ko 'yong trabaho ko, kailangan ako ng pamilya ko." Dagdag ko habang pinupunasan ang luha niya.
"Ako, hindi mo kailangan?" Tanong niya at natawa pa. "Joke lang. Magtanan na tayo, Iv." Dagdag pa niya.
"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Tanong ko.
"Hindi ka ba nahihirapan sa ganito? Lagi na lang tayong nauudlot." Sagot niya naman sa akin. "Sumama ka sakin." Sabi niya at hinala ang kamay ko. Isinakay niya 'ko sa kotse niya, nagpumilit akong bumaba pero mukhang nakachild-lock 'yong kotse niya.
"Atlas, isa! Hindi pwede!" Sabi ko naman sa kaniya.
"Pwede 'yan." Sagot niya sa akin. "Sigurado akong hindi ka mawawalan ng trabaho." Dagdag niya naman.
Wala na 'kong nagawa kung hindi manahimik at hayaan na lang siyang magmaneho. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at mapapadpad na dalawa. Tiwala lang ang mabibigay ko sa kaniya lalo na ngayon, siya na ang bahala. Mali 'tong pagtatanan na 'to para sa pamilya namin, pero ginusto namin 'tong dalawa at dapat na lang panindigan. Mahirap magmahal nang maraming pumipigil. Libre nga magmahal sa mundo, pigil naman ng pamilya. Edi parang wala lang din.
"Gumising ka na." Sabi ni Atlas habang tinatapik ako sa may balikat. Pagdilat ko, gabing gabi na. Tumingin naman ako sa relo ko at 1 am na.
"Nasan tayo?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos ang uniform na suot ko. "Shit! Pano 'yong mga gamit ko? Damit? Mali talaga 'tong ginagawa natin e." Sabi ko at napasabunot ako sa buhok ko.
"Nasa taas tayo ng Antipolo. Pwede tayo bumaba para magmall at bumili ng mga gamit mo." Sagot niya sa akin. "Wag mo na sabihing sayang sa pera, ayaw mo rin naman na paulit-ulit lang 'yong panty na suot mo. Isa pa, ikaw din pag nasira 'yang uniform mo." Dagdag niya at tumawa pa.
"Atlas, ewan ko sayo." Sabi ko at umirap pa.
Pagkababa ko nang sasakyan, napatingala agad ako sa bahay kung nasan kami. Medyo mataas dahil four (4) floors siya at medyo malaki rin, mansion kung titingnan.
"Kanino 'to?" Tanong ko.
"Sa ating dalawa... Soon." Sagot niya sa akin. "Pinamana sa akin ni Guama at Guakong. Lahat kami pinamanahan ng bahay." Dagdag niya habang nakatingin kaming dalawa duon sa bahay.
BINABASA MO ANG
Along Taft Avenue
RomanceJIRAANAN SERIES #1 The Jiraanan family believed that no one could have the courage to break the Family's culture. Not until Atlas fell in-love. "Wealth can never beat Love." Welcome to Jiraanan Family. ☆ daotantawan, 2021.