ROSÉ'S POV
Hindi ko kayang makita si nanay sa Hospital na nahihirapan.
Buong buhay ko lagi kong pinapanalangin na sana kahit mahirap ang buhay namin wag lang kaming bigyan ng sakit o pahirapan ang isa saamin pero parang hindi tinupad ang panalangin kong iyon, nandito ako ngayon sa hospital kung saan pinapanood ko ang nanay ko na kahit tulog ay halatang nahihirapan siya sa sakit niya.
'Ako na lang sana lord, Ako nalang sana ang nagkasakit, dahil masakit bilang anak ang makitang naghihirap ang pinaka mamahal niyang ina na dahil sa isang sakit. Why her? She didn't do bad things anymore, Wala siyang ginawa kung 'di mapalaki kaming mabuti.'
Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko habang nakatingin kay nanay.
Agad ko naman itong pinunas at hinalikan si nanay sa noo niya.
"Nay! May pupuntahan lang ako ah? Babalik ako agad agad"- ani ko at tsaka tinalikuran na siya.
Ang bigat bigat ng nararamdaman ko, Ako yung panganay pero parang ako ang walang kwenta, walang magawa sa nangyayari saamin ngayon.
Hindi ko na alam kung saan ako dalhin ng mga paa ko ngayon, wala nang ibang laman ang puso't isipan ko kundi sana makalabas na dito si nanay.
Hindi ko nanaman namamalayan na nakahinto na pala ako sa paglalakad kaya agad ko naman iniangat ang ulo ko at tinignan kung saan ako nahinto.
𝘚𝘢 𝘱𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳 𝘳𝘰𝘰𝘮.
Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok, Nagtuloy tuloy ang patak ng luha ko habang naglalakad papasok hanggang sa makaupo na ako.
Pumikit muna ako tsaka nag pray.
"Lord, sana! Sana kahit ngayon man lang ay dinggin niyo ang aking panalangin, ang aking tanging panalangin sainyo, yun ay ang bigyan niyo pa ng mahabang buhay ang nanay ko, dahil hindi namin kakayanin na mawala siya sa buhay namin dahil tanging siya lang ang nagbibigay lakas saamin. Sana lord ay ibigay niyo na saamin yun, yun lang ang tanging hiling ko po sainyo."- Panalangin ko at agad ko nang inimulat ang mata ko at pinunasan ang mga luhang kanina pa tumutulo gamit ang kamay ko.
"Gamitin mo" Hindi pamilyar ang magandang tinig na nang galing sa likod ko at agad ko naman tiningnan yung ibinigay niya at isa itong panyo. "I know you need this, so here! Wipe your tears" dagdag niya pa.
"Thank you" Tugon ko at kinuha ko yung Panyo na hindi man lang tiningnan kung sino siya.
Pagkatapos kong punasan ang mga luha ko ay agad na akong tumayo at tiningnan kung sino yung nagbigay saakin ng panyo.
Laking gulat ko nang makita ko siya. Yung idol kong artista, nasa harapan ko na ngayon.
"Ah...hmm.. T-thank you ulit for this" pinakita ko naman yung Panyo niya "Uhm! Ibabalik ko ito sainyo, lalabhan ko muna" nahihiyang tugon ko at halos hindi ko kayaning makipagtitigan sakanya.
"Kahit hindi na, Sayo na yan if you want, I know you need it" Nakangiting sabi niya saakin at parang bumibilis ang tibok ng puso ko sa ganda ng ngiti niya.
"T-thank you" tanging usal ko sabay tungo. Hindi ko talaga kayang makipagtitigan sakanya, lalo na't ampanget ko nang tingnan dahil kanina pa ako umiiyak.
YOU ARE READING
Finally, I FOUND YOU (Jenlisa)
Fanfiction"You prefer yourself to be in trouble, to be in danger just to make sure that your love ones are safe, Not injured or anything that can feel them hurt." "When you found out that the person you've been searching for a long-time, is the person who al...