LISA POV
PAGKATAPOS nang Photoshoot nila ay nagligpit na kami para makauwi, Inalok naman ako ni Nancy na ihatid ako sa bahay pero hindi na ako nagpahatid, ayaw ko na muling mapansin niya na wala nanaman ako sa sarili dahil alam kong makulit siya, Hindi siya titigil hangga't hindi niya malalaman ang totoo.
Nauna nang Umalis si Nancy saamin dahil total hindi naman din ako pumayag at may bigla ring tumawag sa kanya kaya nagpaalam na siya saamin. Naiwan naman kami ni Jennie dito pati na rin ang ibang staff.
"Jennie? Susunduin kaba dito ni Taehyung?" Biglang tanong ko nang palabas na kami ng Photoshoot Room.
"Ah, Hindi dahil nanjan naman yung Driver ko" sagot niya sabay ngiti saakin tsaka tumango lang ako sakanya at nagpatuloy na kami sa paglalakad palabas.
"Dala mo yung motor mo Lis?" Biglang tanong niya nang makalabas na kami at nasa harap na din kami ng sasakyan niya"Ah-- Hindi, Hindi ko naman kasi yon dinadala sa trabaho" seryuso kong sabi sakanya
"Sumabay ka nalang saamin, Ihahatid ka namin---"
"Hindi na Jennie, may masasakyan naman dito pauwi--" pagtatanggi ko
"Sige na Lisa wag ka nang tumanggi please???" Pagpipilit niya saakin at napangiti naman ako sa napaka cute niyang mukha, lalo na yung Mandu Face niya na ang sarap kurutin.
Bumaba naman si Mr. Kang at pinagbuksan ang second seat, nasa Passenger Seat kasi yung P.A ni Jennie.
Kinuha naman ni Mr. Kang yung mga dala naming bag tsaka naman ako hinila ni Jennie papasok sa sasakyan nila kaya No Choice ako kundi magpahatid sakanila."Simula ngayon Lisa, Bawal ka nang tumanggi saakin" pagbabanta niya nang maisara na ni Mr. Kang yung Cardoor. At tinawanan ko nalang siya
"Paano kung ayaw kong sumunod?" Tanong ko sakanya wearing my pretty face at tumingin siya saakin ng seryuso "mm?" Ani ko sabay ngiti ng malapad sakanya
"Kung ayaw mong sumunod---" aniya at tila nag-iisip pa nang gagawin niya "Ipapaputol ko yang bangs mo" aniya at natawa naman ako tsaka rinig ko ring tumawa si Jane.
"Nakakatakot ka pala magbanta, pati Bangs ko idadamay mo" natatawa kong sabi at tumawa naman siya.
"Alam ko kahinaan mo Lisa kaya wag mo akong subukan" pagbabanta nanaman niya at parang wala na akong mailalaban pa.
Putulin niya na't lahat wag lang yung bangs ko. Tss! Bangs is my Life 'no?
"Okey, Okey... Susunod na po, wag mo lang idamay tong bangs ko ah?" Sabi ko at natawa nanaman kami.
"Ang cute niyo" biglang sambit ni Mr. Kang at nagkatinginan naman kami ni Jennie and end up laughing.
Natahimik naman ako habang nakatingin kay Jennie nang sumagi sa isip ko yung narinig ko kanina kay Taehyung, bigla naman akong nalungkot at nakaramdam ng galit.
'Itong mga ngiti na ito ang gusto kong nakikita sakanya, at ayaw kong sa isang araw ay bigla nalang mapalitan ng lungkot' Sabi ng isip ko habang nakatingin sa napakasayang mukha ni Jennie. Iniwas ko naman yung tingin ko tsaka tumingin sa labas ng bintana.
'Subukan mong lokohin si Jennie Taehyung, subukan mong paiyakin siya at ako mismo ang haharap sayo at ipaparamdam ko sayo kung gaano ito kasakit' Namuo na ng galit ang utak ko.
YOU ARE READING
Finally, I FOUND YOU (Jenlisa)
Fanfiction"You prefer yourself to be in trouble, to be in danger just to make sure that your love ones are safe, Not injured or anything that can feel them hurt." "When you found out that the person you've been searching for a long-time, is the person who al...