CHAPTER 10: OPERATION DAY

929 40 1
                                    

LISA'S POV

Monday.

This is it. The operation day of my Mother.
Sana... sana maging Successful ang operasyon ni Nanay in God's name.

Nakahanda na kami ngayon ni Ate papuntang Hospital, Nakakakaba pero ang tanging ginagawa namin ay ang ipagtiwala kay god na gagawin niyang successful ang operasyon ni Nanay.

"Tara na ate, Hinihintay na tayo doon nina tatay, Mga ilang oras nalang ay ooperahan na si Nanay" Kabado kong sabi kay Ate Rosé at napansin naman niya tsaka lumapit saakin sabay akbay.

"Don't be nervous Lisa, Magiging success ang operasyon ni Nanay, tiwala lang kay god Okey?" Pagpapalakas niya ng loob ko at ngumiti naman ako.

"Yes ate! Thank you" Sabi ko at niyakap ko na siya.

"Tara na?" Nakangiting yaya niya saakin.

"Tara!" Nakangiti ko ding sagot kaya sabay na kaming lumabas ng bahay.

Siya yung pinag drive ko ng Motor ko, dahil kabado parin ako, baka kung ano pa ang mangyari saamin sa daan.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa Hospital at agad naman namin inayos ang sarili namin atsaka tuluyan ng pumasok sa Hospital.

Ang tagal ko nang pabalik balik dito sa hospital pero ngayon lang ako kinakabahan. Hindi ko alam pero para saakin delikado ang operasyon, Oo delikado nga, pero may tiwala naman ako sa mga Doctor dito at naniniwala akong magiging Success ang operasyon niya.

Gabayan sana kami ni Lord at si Nanay.

Nang makarating na kami sa Room ni nanay ay nandoon na sina Tatay na kausap nila si Ms. Jisoo kim. Ang Anghel ng Ate ko.

"Good morning po Ms. Kim" Pormal na bati ko tsaka tumango

"Good morning po Ma'am" Nahihiyang bati ni Ate. Sus! Bakit pa'to nahihiya eh, nakakasama naman niya araw araw. Eyst!

"Good morning" Nakangiting bati din saamin ni Ms.Kim

Dumiretsu naman ako sa tabi nina nanay at tatay.

"Good morning nay, tay" Sabi ko sabay halik sa kanila at ganun din si Ate.

"Good morning Mga Anak!" Masayang bati ni Nanay at napatingin naman ako sakanya ng patanong.

"Bakit Ang saya ng Nanay namin?" Masaya ko ding tanong sakanya.

"Syempre Anak! Maooperahan na ako eh! Makakasama ko na kayo" Nakangiti niyang sabi.

"Eh! Nay, Hindi ba kayo kinakabahan? Hindi ba kayo natatakot sa Operasyon?" Pagtatakang tanong ni Rosé at napatingin naman kami lahat sakanya pati na din si Ms. Kim

"Kinakabahan pero walang patutunguhan ang kaba Anak basta't magtiwala lang tayo kay god." Nakangiting ani ni Nanay at nakangiti naman kaming nakatingin sakanya. "Ipanalangin niyo na lang na maging Successful ang operasyon!" Dagdag niya.

"Of course Nay!" Sabay naming sabi ni Ate at nagkatinginan naman kami sabay tawa.

At nabaling naman ang tingin ko kay Ms. Kim na kita kong nakangiti din habang pinagmamasdan kami.

"Uhm! Ms. Kim Sorry!" Sabi ko at napatingin naman sila saamin.

Sa kama ni Nanay nasa kabilang side sina Ms. Kim at ate at sa kabila naman ay kami ni Tatay.

Finally, I FOUND YOU (Jenlisa)Where stories live. Discover now