CHAPTER 9

1K 53 12
                                    

ROSÉ'S POV

Pagkaalis ni Ms. Jisoo ay agad na akong pumasok sa loob at nakita ko naman yung paper bags na may laman ng pinamili niya.

Napangiti naman ako habang nakatingin doon at kinuha ko iyon at dinala sa kwarto ko. Pumunta muna ako sa Bathroom tsaka naligo.

Pagkatapos kong maligo ay agad naman akong umupo sa kama ko at isa isang inoopen yung pinamili niya. Hindi ko alam na binilhan pala niya ako, eh ni hindi nga siya nagtanong saakin eh.

At nagulat nalang ako sa aking mga nakita nung mabuksan ko ito isa isa. Ito yung tinitingnan ko kanina habang namimili siya palihim niya palang kinukuha ah.

Ang laki naman ng ngiti ko nang maisip kong sinusulyapan niya pala ako sa oras na yon. Bigla namang bumilis yung tibok ko.

Hindi ko alam yung nararamdaman ko pero pagdating kay Ms. Kim, Kinakabahan ako at kapag ngumiti naman siya parang sasabog yung puso ko sa subrang bilis ng tibok nito.

Ays! Am i inlove? Ay! Tanong ko nalang kay Lisa pagdating niya, Expert yun eh.



LISA'S POV

Saktong dumating na si Tatay dito sa hospital at siya naman ang magbabantay dito dahil dumating na yung oras ko sa Weibo.

"O! Tay, Where's Ate? Hindi siya nakadalaw dito kanina ah?" Tanong ko kay tatay nang makahalik na siya saamin.

"Ah! Nasa bahay siya Anak! Nagpapahinga, eh maghapon siyang wala sa bahay e" sagot ni tatay.

"Saan po daw siya pumunta tay?"

"Hindi ko na siya tinanong Anak kasi I know she's tired na, Ang naalala ko maaga siyang umalis sa bahay kanina dahil pupunta daw siya sa weibo" Paliwanag ni tatay at alam ko na kung saan pumunta si ate.

"Ah! Sige tay, Salamat tay" Nakangiti kong sabi kay tatay.

Alam ko na kung bakit pumunta siya sa weibo na ganung kaaga, Eh hindi naman niya Sched. Pag umaga eh, Pang Night kami. Siguro nagpaalam na siya kay boss at tinanggap yung offer ni Ms. Kim.

𝑳𝒂𝒈𝒐𝒕 𝒌𝒂 𝒔𝒂𝒂𝒌𝒊𝒏 𝒎𝒂𝒎𝒂𝒚𝒂 𝑨𝒕𝒆. 𝑴𝒂𝒑𝒂𝒑𝒂𝒊𝒚𝒂𝒌 𝒌𝒂 𝒔𝒂 𝒔𝒖𝒃𝒓𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒊𝒌𝒐𝒏. 𝑯𝑨𝑯𝑨𝑯𝑨!

Napangiti naman ako saaking naisip.

"Tay, nay, Sige na ho! Kailangan ko na pong umalis, Bawal ako malate eh" Nakangiti kong tugon sakanila at humalik na ako sakanila.

"Ingat baby" Nanay

"Ingat Anak!" Tatay.

"Kayo din po Bye! Loveyou" Nag flying kiss muna ako sakanila bago tuluyang lumabas.

Naglalakad na ako palabas ng hospital nang mag ring yung cellphone ko. Agad ko na itong kinuha sa bulsa ko at sinagot ito.

"Hello! Ji Eun! Oh! Napatawag ka?" Sabi ko at nagpatuloy nang maglakad palabas.

"Eh Ano paba Unggoy! Edi! May ibabalita naman ako sayo" Masaya niyang sabi at napangiti naman ako.

"Ang Chizmosa mo talaga Ji Eun, Tatawag ka lang kapag may balita ka.." Natatawa kong sabi at nasa labas na ako ng hospital at nag aabang ng masasakyan. Hindi ko kasi dinadala yung motor ko kapag pumupunta ako sa weibo. Basta ayaw ko lang.

"Pero nakakatulong naman ito sayo tss" Napipikong sabi niya at natawa naman ako.

"Eh Ano ba yung balita mo saakin Ms. REPORTER?" Pagdidiin ko sa last word na sinabi ko sabay tawa.

Finally, I FOUND YOU (Jenlisa)Where stories live. Discover now