JI EUN'S POV
I'm here again, saving my best friend from pain.
I hate seeing her crying like this. This is the second time na nakita ko siyang umiiyak ng ganito.
And it makes me hate those people who did this to her.
Kailan man ay hindi ko gustong nasasaktan siya, kung pwede lang na saakin ibalin lahat ng sakit na nararamdaman niya ay lubos kong tatanggapin.
Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan.
"Lisa, patatagin mo ang sarili mo. We need to go home baka magkasakit pa tayo, ang lakas ng ulan ohhh" mahinahon kong sabi sakanya habang nakayakap saakin at hinihimas ang kanyang basang basa na buhok.
Pilit ko siyang pinapatayo mula sa pagkakapasan ko sakanya.
Ini-akbay ko ang kanang kamay niya sa leeg ko at inalalayan siyang maglakad patungo sa sasakyang hiniram ko.
Talagang nanghihina siya sa mga oras na ito, mas malala pa ito kesa sa nangyari sakanya noon dahil sa pang-iiwan ni Nancy.
Sana hindi nalang kayo nagkakilala ulit ni Jennie kung makikita kitang nagkakaganito. I know you love her so much kahit hindi mo sabihin saakin, pero kung ganito lang din naman ang ipapalit sa pagmamahal mo sakanya, na saktan ka nang ganito? Hinding hindi na ito mauulit, hindi ko hahayaang saktan ka niya ulit. You don't deserve this Lisa.
Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha habang nakatitig kay Lisa na ngayon ay parang wala sa sariling nakatingin sa labas ng sasakyan. Na alam kong patuloy paring umiiyak.
Pinunasan ko naman kaagad ang aking mga luha at agad ding pinaandar ang sasakyan.
"Lisa? I'll bring you home..." Sabi ko sakanya habang nagmamaneho.
"W-wag Ji Eun, ayaw kong makita nila ako sa bahay na nagkakaganito, a-ayaw kong mag-alala sila saakin" mahina niyang sabi at ramdam ko parin ang sakit ng nararamdaman niya habang nagsasalita.
"Lisa, you can get through this. I think hindi na bago sayo 'to. Ikaw yung kilala kong Lisa na matapang at hindi nagpapatinag sa mga sakit na nararamdaman" ani ko sakanya habang focus parin ako sa pagmamaneho
"May kahinaan rin ang mga taong matatapang Ji Eun." She answered.
"At siya yung kahinaan mo?" Diritso kong tanong sakanya.
"Ang kahinaan ko ay ang masaktan ko ang mga taong importante saakin--" Natahimik naman kami bigla at bumalin ako sa pagmamaneho. "Tama nga si Jennie, ako yung dahilan kung bakit siya nalalagay sa kapahamakan, dahil simula nung dumating ako ulit sa buhay niya ay kung ano-ano na ang nararanasan niya na hindi maganda" bigla niyang sabi sa kabila ng pansamantalang katahimikan. At kumunot naman ang noo ko sa mga sinabi niya
Walang ibang iniisip si Lisa kung hindi ang kaligtasan ni Jennie. Halos mawalan nga ng time saakin si Lisa dahil sakanya, tapos? Ganito? Hays!
Naiinis ako dahil sa subrang bait at maaalahanin itong si Lisa ay siguro naabusado ito. Imbes na maibalik sakanya yung kabaitan na iyon ay mas napapasama pa siya.
"You always protecting her Lisa, That's enough!, Sa ngayon sarili mo muna ang isipin mo, okey?" Madiin kong sabi sakanya at pilit naman siyang ngumiti saakin.
YOU ARE READING
Finally, I FOUND YOU (Jenlisa)
Fanfiction"You prefer yourself to be in trouble, to be in danger just to make sure that your love ones are safe, Not injured or anything that can feel them hurt." "When you found out that the person you've been searching for a long-time, is the person who al...