Yaines POV
"Nangangarap na nga lang." Iling na sabi ni Kiel.
"Sinabi ko naman na sayo diba?"
"Alam ko... kaya nga nangangarap."
"Bahala ka nga jan." at tumawa lang siya.
Hindi ko alam kung ano nasa isip niya pero hinahayaan ko na lang. Tama naman siya na siya lang sa ngayon nasasandalan ko. Pinag patuloy ko na lang ang pag luto ng matapos na kami sa pag luto ay nag hain kami agad. Kasabay nun ang pag dating ng kambal kaya umingay nanaman.
Masaya naman ang pananatili namin pero maya maya ay nag aya na rin ako umuwi kasi marami pa akong gagawin. Kaya hinatid ako ni Kiel habang nasa sasakyan ay wala kaming kibuan ng bigla siya nag salita.
"May gagawin ka ba sa Wednesday?"
"Wala naman."
"Samahan mo naman ako. Gusto ko bumili ng sapatos."
"Okay, basta libre mo ko pag kain." Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Yun lang pala eh." Masayang tugon din niya.
Hindi din nag tagal ay nakarating kami sa tinitirhan ko. Nag paalam ako agad sa kanya at umakyat na. Pag kabukas ko ng pintuan ay dama ko ang pag iisa ko. Sanay naman na ako pero minsan talaga nalulungkot ako. Ganun talaga ang buhay minsan kaylangan mo mag isa.
Agad ko ginawa ang dapat kong gawin. Kunting push na lang namann makakapag tapos na ako. Pwede na ako hindi umasa sa padalang pera ng mga magulang ko.Mag sisimula ako kahit wala sila, kakayanin ko kahit wala sila. Lumaki naman ako na wala sila at anjan naman si Zeke.
Lumipas ang oras at andito ako sa sasakyan kasama si Kiel. Wednesday na ngayon ang bilis ng araw hindi ko namamalayan pero masaya din ako dahil ibig sabihin mapapabilis din ang pag kikita namin ni Zeke. Sabi ni Kiel pupunta daw kami sa Shangrila dahil andoon daw ang mga luxourios brand, matagal na din na panahon ng makapunta ako sa mga mamahaling establishment, simula ata ng mag hiwalay ang magulang ko.
Agad dumiretsyo si Kiel sa Gucci para mag tingin ng sapatos, wala naman akong magawa sa loob kaya nag tingin tingin na lang din ako. Napapangiti ako sa bawat bagay na makita. Balang araw makakabili ako ulit ng mga ganyang bagay gamit ang sarili kong pera. Habang nag titingin ako ng mga produkto sa loob ay napatingin ako sa labas.
Nakita ko ang unang lalaking minahal ko kasama si Avery. Bakit niya kasama si Avery? Siya ba? Sila ba?
Agad kong pinunasan ang luha ko sa mata at tumalikod. Nag labas muna ako ng isang malalim na hininga bago pumunta kay Kiel. Agad naman siyang ngumiti ng pag kita sa akin kaya sinuklian ko yun kahit pilit.
"May napili ka na?"
"Yes." Nakangiting sabi niya.
Ngumiti na lang din ako sa kanya. Agad naman niya yun binayaran. Pag kabayad niya inakbayan niya ako, pinabayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Tulad nga ng napag usapan ay nilibre niya ako ng makakain.
Nasa isang Japanese restaurant kami ngayon. Masarap ang pag kain ngunit hindi ko tuluyan na maenjoy dahil sa nakita ko kanina. Sino ba si Avery? Bakit sila mag kasama? Alam ba to ni Zeke? Bakit hindi niya sa akin sinabi?
"May problema ka ba?"
Bumalik ako sa sarili ko ng marinig ko ang boses ni kiel at ang kamay niya na humawak sa kamay ko.
"May nakita lang ako kanina."
"Sino?"
"Avery."
BINABASA MO ANG
Illegal Girlfriend
RomanceWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Stacey Yaines Lopez loved Ezekiel Villanueva more than anything. Who wouldn't? Ezekiel is perfect for everyone's eyes a man with a pointed n...